tungkol sa mga madramang mga kanta
Lahat naman siguro tayo ay dumaan sa mapapait na karanasan sa buhay pag-ibig. Kapag nandun ka pa sa panahong iyon, siyempre pa, hindi iyon madaling pagdaanan. Mga gabing walang tulog, mga di-masagot na mga tanong, mga luha...
Sabihin pa (at sana naman), naranasan na rin natin kung paano bumawi mula sa ganitong mga karanasan. Pero aminin natin: minsan tinatamaan tayo ng kung anong topak at parang gusto nating balikan ang damdaming iyon. Kahit hindi na yung tao o yung mga pangyayari; yun lang damdamin. At siyempre pa, ang epekto nito (o baka sanhi?) ay ang pagsesenti sa pamamagitan ng pakikinig ng mga madramang mga kanta.
Sabagay, kung minsan, hindi naman talaga kailangang meron kang pinaghuhugutan para maging in the mood sa pakikinig ng ganitong mga kanta. Minsan kapag hatinggabi o madaling araw na hindi ka makatulog, buksan mo lang ang radyo, at maging ang mga pinaka-jologs na istasyon ay tiyak na may tuluy-tuloy na playlist ng ganitong uri ng mga kanta. Noong thesis time sa UP at gabi na ako umuuwi, kung minsan ay duet pa kami ni manong taxi driver sa ganitong mga senti songs, at hangang-hanga siya na alam na alam ko ang mga love songs ng 70s at 80s.
Sa totoo lang, kung minsan, hindi mo naman talaga kailangan ng dahilan. Tulad ko. Lumaki akong nakikinig sa mga awiting paborito ng nanay ko. Kaya naman, ito na rin ang mga pinakikinggan ko ngayon.
At hindi ako nag-iisa; noong college, ang pangunahing bagay na naglapit sa akin sa bestfriend kong babae, si Alen, ay ang pareho naming pagkahilig sa mga senti na ito. "Nagpapagalingan" pa nga kami, nakakapuntos kapag nakakahanap ng bagong lumang kanta (ibig sabihin, mga lumang kanta na bagong tuklas pa lang namin), animoy naghuhukay ng nakatagong mga kayamanan mula sa mga baul (kung minsan ay literal) ng aming mga magulang o mga lolo at lola (hindi pa naman kasi ganun kadaling maghanap sa Youtube noon). Tuwing may lakad ang org, nangunguna kami sa videoke, bumibirit ng mga kantang ito na "bago" rin sa pandinig ng aming mga kasama; madalas mong maririnig ang mga komentong: "Ah, yun pala yun!" kapag dumarating sa mga sikat na linya ng korus. Mayamaya pa, ang buong grupo ay sabay-sabay nang umaawit.
May kung ano sa mga love songs na umaabot hindi lang sa tainga kundi sa puso ng nakikinig rito. Iyon kaya ang malambing na melodiya? Ang malamig na boses ng mang-aawit?
Siguro. Pero ang pinakamahalagang elemento marahil kung bakit may kung anong epekto sa damdamin ang mga senti songs ay ang mga liriko nito. Sabi nga ng PhD adviser ko, si Sir Chris, habang binibiro namin ang advisee namin, si Jr, na noo'y kakagaling lang sa isang breakup, makaka-relate ka raw sa lahat ng senti songs kapag broken-hearted ka. Baka nga tama ang sinabi ni Kenny Rogers sa kaniyang love song tungkol sa love songs (na may pamagat na Love Songs): "Everybody's needin'/ what the singer's always singin'/ in a love song."
Sa mundo kasi ngayon, ang pagiging emosyonal ay itinuturing na isang kahinaan at ang pagkamautak ay ipinagpupugay. Anila, ang pagkamautak ang magpapanatili sa iyong buhay sa gitna ng isang malaking arena na siyang mundong ating ginagalawan. Ito ang nananalong istratehiya, na siyang gumagabay rin sa lahat ng mga nilalang sa kalikasan. Sa kabilang banda, sabi nila, ang emosyonal ay malambot at hindi mananalo sa mahirap, madugo pa nga, na laro ng buhay.
Sabihin pa, ang mga damdaming inihahatid ng mga madramang kanta ay ang mismong mga damdamin na nagpapaging-tao sa atin, ang naghihiwalay sa atin mula sa iba pang may buhay na nilalang. Ang kakayahang maapektuhan ng matinding mga damdamin -- kahit pa nga yaong mga ipinahahatid lang ng mga kanta -- ay pantangi sa ating uri. Ang mga ito ay nasa kaibuturan ng ating pagkatao.
Kaya habang nakikilaro tayo, gaya ng iba pang mga nilalang, sa tusong laro ng buhay, sa pana-panahon ay gugustuhin pa rin nating kumonekta sa ating pagiging tao. Diyan ngayon pumapasok ang madramang mga kanta. Iyan ngayon ang magpapaliwanag kung bakit lahat tayo, may pinaghuhugutan man o wala, ay nakakaalala ng pantanging linyang iyon ng chorus, anupat kayang makisabay sa radyo, kay manong driver, o sa mga kaibigan at kabarkada habang bumibirit ng isang klasikong awit. ●
Sabihin pa (at sana naman), naranasan na rin natin kung paano bumawi mula sa ganitong mga karanasan. Pero aminin natin: minsan tinatamaan tayo ng kung anong topak at parang gusto nating balikan ang damdaming iyon. Kahit hindi na yung tao o yung mga pangyayari; yun lang damdamin. At siyempre pa, ang epekto nito (o baka sanhi?) ay ang pagsesenti sa pamamagitan ng pakikinig ng mga madramang mga kanta.
Screen shot mula sa laptop ko ngayon. Oo, mas gusto ko ang bersiyon nila ng "Broken Hearted Me" kesa dun kay Anne Murray. Ang video ay mula kay cyberman000051 (maraming salamat!) |
Sa totoo lang, kung minsan, hindi mo naman talaga kailangan ng dahilan. Tulad ko. Lumaki akong nakikinig sa mga awiting paborito ng nanay ko. Kaya naman, ito na rin ang mga pinakikinggan ko ngayon.
At hindi ako nag-iisa; noong college, ang pangunahing bagay na naglapit sa akin sa bestfriend kong babae, si Alen, ay ang pareho naming pagkahilig sa mga senti na ito. "Nagpapagalingan" pa nga kami, nakakapuntos kapag nakakahanap ng bagong lumang kanta (ibig sabihin, mga lumang kanta na bagong tuklas pa lang namin), animoy naghuhukay ng nakatagong mga kayamanan mula sa mga baul (kung minsan ay literal) ng aming mga magulang o mga lolo at lola (hindi pa naman kasi ganun kadaling maghanap sa Youtube noon). Tuwing may lakad ang org, nangunguna kami sa videoke, bumibirit ng mga kantang ito na "bago" rin sa pandinig ng aming mga kasama; madalas mong maririnig ang mga komentong: "Ah, yun pala yun!" kapag dumarating sa mga sikat na linya ng korus. Mayamaya pa, ang buong grupo ay sabay-sabay nang umaawit.
May kung ano sa mga love songs na umaabot hindi lang sa tainga kundi sa puso ng nakikinig rito. Iyon kaya ang malambing na melodiya? Ang malamig na boses ng mang-aawit?
Siguro. Pero ang pinakamahalagang elemento marahil kung bakit may kung anong epekto sa damdamin ang mga senti songs ay ang mga liriko nito. Sabi nga ng PhD adviser ko, si Sir Chris, habang binibiro namin ang advisee namin, si Jr, na noo'y kakagaling lang sa isang breakup, makaka-relate ka raw sa lahat ng senti songs kapag broken-hearted ka. Baka nga tama ang sinabi ni Kenny Rogers sa kaniyang love song tungkol sa love songs (na may pamagat na Love Songs): "Everybody's needin'/ what the singer's always singin'/ in a love song."
Sa mundo kasi ngayon, ang pagiging emosyonal ay itinuturing na isang kahinaan at ang pagkamautak ay ipinagpupugay. Anila, ang pagkamautak ang magpapanatili sa iyong buhay sa gitna ng isang malaking arena na siyang mundong ating ginagalawan. Ito ang nananalong istratehiya, na siyang gumagabay rin sa lahat ng mga nilalang sa kalikasan. Sa kabilang banda, sabi nila, ang emosyonal ay malambot at hindi mananalo sa mahirap, madugo pa nga, na laro ng buhay.
Sabihin pa, ang mga damdaming inihahatid ng mga madramang kanta ay ang mismong mga damdamin na nagpapaging-tao sa atin, ang naghihiwalay sa atin mula sa iba pang may buhay na nilalang. Ang kakayahang maapektuhan ng matinding mga damdamin -- kahit pa nga yaong mga ipinahahatid lang ng mga kanta -- ay pantangi sa ating uri. Ang mga ito ay nasa kaibuturan ng ating pagkatao.
Kaya habang nakikilaro tayo, gaya ng iba pang mga nilalang, sa tusong laro ng buhay, sa pana-panahon ay gugustuhin pa rin nating kumonekta sa ating pagiging tao. Diyan ngayon pumapasok ang madramang mga kanta. Iyan ngayon ang magpapaliwanag kung bakit lahat tayo, may pinaghuhugutan man o wala, ay nakakaalala ng pantanging linyang iyon ng chorus, anupat kayang makisabay sa radyo, kay manong driver, o sa mga kaibigan at kabarkada habang bumibirit ng isang klasikong awit. ●
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento