tungkol kay Sis
Sa pagkakaalala ko, kung kailan hindi na kami nagkakasama, saka pa kami nagkaroon ng pantanging tawagan.
Sa Caramoan. Larawan mula rito. |
Sa matagal na panahon, siya lang si Leonard. Sa katunayan, noong umpisa, siya pa nga si Leonardo: LeonardO campo, kapag ang mga guro at mga ROTC officers ay nagkakamaling ilagay ang O sa dulo ng pangalan sa halip na sa simula ng apelyido. Maging ang tunog ng totoo niyang pangalan ay may pagkaka-iba-iba depende sa bumibigkas: nariyan ang matigas na LEONARD (lio-nard) ni Ivan at ang malambing na Lennard (le-nerd) naman ni Eia.
Mahirap nga yatang banggitin ang isang mahabang pangalan (kahit pa dalawang pantig lang ito kung tutuusin). O baka naman masyado na talagang napatagal ang pagsama niya sa amin, kaya napahalo na ang kaniyang pagkakakilanlan sa barkada. Basta minsan, may nakaisip na lang na paiksiin ang Leonard tungo sa panlalakeng katumbas ng pangalan ng tumatawag sa kaniyang lenerd. Oo nga naman; kung si Eia ang girlfriend, siya naman ang boyfriend ni Ivan. Di kinalaunan, nawala na nang tuluyan ang LeonardO at ang Leonard (at ang Ardee at ang Hoy at ang Haaaayup at ang Big Time at ang Badaff at ang Vadeng) nang pasimulan siyang tawagin ng karamihan na Eio.
Pero noon ding mga panahong iyon, sa isang bihirang pagtambay sa lumang kuwarto ng UPPA, naisipan naming bumuo ng isang "kapatiran" (ang ganda talaga ng Filipino, walang gender) na kaming dalawa lang ang kasapi. Siguro ay isang pormalidad na lang iyon; isang kulminasyon ng maraming mga taong inunti-unti naming buuin ang isang magandang samahan. Kaya naman habang kilala siya ng karamihan bilang Eio (o Kuya Eio, dahil kami na noon ang pinakamatanda sa org), tinatawag ko siya sa ibang pangalan, isang natatanging pangalan na nagpapatunay ng isang ugnayang gaya sa magkapatid. Napakaespesyal niyaon, anupat maging ang mga kapatid niya, maging ang kapatid niyang babae, ay hindi siya pwedeng tawaging ganun:
Sis.
*****
Bago pa naman iyon, parang "sorority sisters" na talaga kami.
Kasi ba naman, ang mga pinagkakaabalahan namin: ARTS (o di ba, ang macho). Ikalawang semestre pa lang noong kolehiyo, buwan-buwan akong niyayaya niyan sa mall (matapos ang buong hapon ng paglalaro ng pusoy dos pagkatapos ng klase). Para pumili ng panregalong pigurin para sa dati niyang kasintahan. Ang siste, labor of love ang drama ni Kuya: siya ang magkukulay sa dibuho! Well, actually, kami... damay ako sa tatlong oras na kulayan session habang nakaupo kami sa mga bangkito kasama ng iba pang mga kostumer, na karamihan ay mga bata.
Ang aming kabadingan kahusayan ay makikita rin sa entablado; akalain mo, pati PERFORMING ARTS pinasok namin! Kami ang takbuhan ng org kapag kailangan ng mga magsusulat ng dula na pang-akit sa mga freshman upang sumali. Habang nasa likod ako ng mikropono at pinaglalaruan ang maraming tono ng boses, siya naman ang nasa taas at ipinamamayagpag ang maraming galaw at indak. Di iilang miyembro din ng UPPA ang "naloko" namin para mapasali dahil dito. Nakailang hosting stint na rin kami sa Mutya at UPPAg-ibig.
Pero ang pinakamalaking dahilan kung bakit kami mag-Sis sa isang soro sa halip na mag-Brad sa isang frat ay ang marami at paulit-ulit na DRAMA ng mga istorya namin. Hindi; totoong kuwento na ito, mga kuwento ng buhay namin. Magsisimula iyan sa mga kulitan: ipapa-rank ko sa kaniya ang mga babae sa buhay niya. Pero habang tumatagal, doon na lumalabas ang mga masasaklap na bahagi. Mga paulit-ulit na kuwento ng pagkabigo. Madalas na mga panghihinayang. Mga luhang pumatak (siya lang yun, siya ang mas iyakin!).
Kung sabagay, may ganito rin namang mga usapan ang mga mag-brad sa pana-panahon. Pero ginaganap ito sa gitna ng mga inuman. Sa amin, gaya ng tunay na mag-Sis, ang mga kalungkutan ay dinadaan namin sa pagkain. Nakailang ulit na rin kaming inabutan ng hatinggabi sa Johnny's Fried Chicken sa Cainta (na wala na ngayon). At paborito naming magpapak ng fried chicken sa Tropical Hut (sa Tropical).
*****
Marami akong natutunan kay Leonard sa mahahalagang mga pagkakataong iyon na ibinahagi niya sa akin bilang kaibigan, bilang kapatid.
Nariyan ang pagiging simple. Siyempre pa, pagpasok mo sa UP, napakaraming inaasahan sa iyo ng lipunan, ng pamilya, at maging ng sarili mo. Kung hindi ko nakilala itong mokong na ito, malamang na gayon pa rin ang pananaw ko sa buhay: isang karera upang maabot ang pinakamatatayog na mithiin sa pinakamabilis na panahon. Malamang na nakikipagkompetensiya pa rin ako sa lahat, maging sa sarili ko. Sa pagmamasid kay Eio, nakita kong hindi naman pala kailangang maging ganoon. Sa katunayan, ang layunin naman ng gayong matatayog na pangarap ay hindi naman para lang maabot sila; sa bandang huli, lagi lang naman itong mapupunta sa tanong kung naging maligaya ka ba. At kay Eio, mas masarap ang tagumpay kung humihinto ka sa pana-panahon para lasapin ito.
Natutunan kong lumaya dahil kay Sis. Bago ang kolehiyo, matagal ko nang ikinulong ang sarili ko sa iba pa, naging pihikan sa pagpili ng mga taong pagbabahaginan ko ng aking panahon. Hindi ko alam kung bakit ko ba siya napili, pero mabuti na lang at nagkagayon! Dala siguro ng pagsasanay niya noon sa teatro, o sadyang natural lang niyang kapal ng mukha, ipinakita niya sa akin na may mga pagkakataon sa buhay na kailangang wala kang pakialam sa sasabihin ng iba. Aba, pwede mo pa itong pagkakitaan; trip niyang makipagpustahan sa mga ka-org namin para gawin ang isang kahiya-hiyang bagay, at madalas na siya ang nananalo. Masarap din palang pagtawanan ang sarili minsan; kahit pa nga madalas; hindi, kahit pa lagi! Dahil sa ugali niyang ito, naisipan kong lumabas din minsan sa nilikha kong kahon para langhapin ang hangin sa labas. Oo nga. Hindi naman pala nakamamatay iyon. At masaya pa.
Nakita ko rin mula sa kaniya kung ano ba ang sangkot sa tunay na pagmamahal. Hindi pala ito puno ng mga magical coincidence gaya ng napapanood sa mga pelikula. May sakit at panghihinayang din itong dala paminsan-minsan. Pero, kapag dumating na ang pinakatamang tao sa pinakatamang panahon, nakita ko rin kung anong klaseng kaligayahan ang pwedeng dalhin nito. Mapapabulaklak ka sa pagtula sa loob lang ng labinlimang minuto!
*****
Iyong huli siguro ang pinakamalaking aral na napulot ko mula kay Sis. Mas una ko pa nga itong maikakapit kaysa sa kaniya. Ito'y noong pakasalan ko kamakailan ang pinakamahalagang tao sa buhay ko.
Hindi pa natatagalan, sila naman ni Glaiza ang lumagay sa tahimik. Hindi ako naniniwala sa sukob, pero kung titingnan ang timing, para bang pinalagpas lang niya ang taon upang hindi makasabay sa kasal ko.
Para nga talaga yata kaming magkapatid. Mag-Sis.
*****
Sayang, wala ako sa larawang ito ni George. Itinuturo pa naman ako ni Glaiza.
Pero kung andiyan siguro ako (at si Loren, na isa pang kasama dapat sa larawang ito), doon ako pupuwesto sa kabilang banda. Mas maganda kasing tingnan kapag magkakasama ang mga lalake sa kanan at ang mga babae sa kaliwa.
Oo na, nagpapalusot lang ako. Ang totoo, gusto ko rin talagang pumuwesto sa tabi ng lalakeng itinuring kong kapatid (na babae). Sa pag-akbay ko sa bagong kasal na damuhong iyon, kahit hindi pa ako magsalita, malalaman na niya ang gusto kong sabihin. ●
*****
Congratulations sa inyo, Sis at Glaizalou! Ipapadala ko ang regalo ninyo kung ipapadala nyo rin ang handa ninyo dito. Miss ko na ang pagkaing Pinoy. Miss ko na kayo.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento