tungkol sa mga himig ng gabi
Sa labas, pagdungaw sa bintana, makikita ang mga riles ng tram. Ang Tram 13 ay isang Gute Nacht Linie, kaya inaasahan ko na ang maingay na pagdaan ng tren tuwing makaisa o dalawang oras kahit pa sa kalaliman ng hatinggabi.
Malapad at maluwang ang sidewalk, at kahit sa madaling araw ay maririnig ang mga rayos ng bisikleta, mga taong nag-uusap. Saan kaya sila nanggaling? Baka sa mga restaurant sa Großer Garten, na dalawang bloke sa timog. O baka naman nanood sila ng sine sa pampang ng Elbe, dalawang bloke sa hilaga.
Samantala, sa loob, ang tanging tunog ay ang pag-aalburoto ng refrigerator sa pagpapalamig sa mga laman nito. Binuksan ko ang bentilador, na nakadagdag din sa kakulangan ng tunog. Pinatugtog ko ang mga mp3 ng Beatles para magdagdag ng kaunting ingay, pero dahil tulog na siguro ang mga kapitbahay, kailangang panatilihing mahina pa rin ito.
Nakabibingi nga pala talaga ang katahimikan.
Kaya habang hinihintay ko ang huni ng magsasalubong na mga tram, ipinikit ko ang mga mata ko, umaasang mapupunta ako sa isang mas maingay na daigdig sa aking panaginip. ●

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento