Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

tungkol sa paghihintay sa tahimik na mga pasilyo

hindi pa nakakaraan ay lipos ng kaguluhan at lito ang sangka-UP-han. nariyang suspindihin ang Lantern Parade dahil sa mga bantang panseguridad. nariyang magningning sa mga butil ng liwanag ng kandila ang Quezon Hall at mga hakbang paakyat ng AS dahil sa vigil ng mga estudyanteng tutol sa pagtaas ng bayarin. nariyan ang naghayu't ditong mga konseho at admin ng iba't ibang kolehiyo na nagsagawa ng sariling bersyon ng parada. at nariyan din ang di-mabilang na mga tao, isang haluang pangkat ng mga estudyante't bisita na nagkasya na lamang sa manaka-nakang pagbili sa mga tindahan sa palibot ng Sunken Garden. sa gitna ng gayong tagpo ay tinungo ko ang PH3234, naupo sa aking mesa at sabik na naghintay sa mga susunod na kaganapan. tahimik ang malamig na silid, anupat halos marinig ko ang paghugos ng dugo mula sa nagdudumali kong puso. subalit nang sumunod na araw, isang malaki (at kakatwang) pagkakaiba ang namasid. tapos na ang apoy, at naabo na rin ang baga. sinalubong ako ng ...

tungkol sa bakasyon ngayong disyembre

pinapawi ng disyembre ang init ng panahon. daig pa ng hangin sa labas ang supercool settings ng aircon sa 3234. subalit higit sa lahat ng inaabangan (ko) kapag disyembre ay ang pagpawi nito sa init (ng ulo) at tensyong dala ng trabaho. ang bakasyon ay isang pagkakataon upang magbulay-bulay tungkol sa natatagong kapayapaan ng tila-magulong buhay. at magpasalamat sa mga pagpapalang tinanggap.

tungkol sa anak na di anak, asawang di asawa, at mga manugang

may nanliligaw sa "anak" ko sa org, at marami siyang tanong. marami kasi siyang gustong sabihin pero hindi masabi. isa lang ang sinabi ko sa kanya nung itanong nya kung ano ang gagawin sa ganitong sitwasyon: "kung ayaw mo, SABIHIN mo. kung gusto mo, IPARAMDAM mo." yan kasi ang hirap sa pag-ibig. walang step by step procedure (mabuti pa ang magturo ng physics lab), at hindi naman pwedeng i-trial-and-error dahil damdamin ang nakataya. laging case-to-case basis, walang generalization na pwedeng gawin. isa pang dahilan kung bakit napakaikli ng sagot ko ay ito: ako mismo ay hindi expert pagdating diyan. ayokong magaya siya sa amin ng "nanay" niya. unti-unti kong namamalayan na nagiging "tatay" na talaga ako sa kanya. gaya ng mga tunay na tatay na nagtatrabaho buong maghapon at pagod pag-uwi, nabawasan, kung hindi man lubusang nawala, ang panahong ginugugol ko kasama ang "anak" ko. buti na lang at meron siyang "asawa", si...

tungkol sa ako, ikaw at siya (pahabol)

http://rcbatac.blogspot.com/2006/05/tungkol-sa-ako-ikaw-at-siya.html Abalang-abala ako ngayon sa pag-intindi sa mga estudyante ko. Kung paano sila matututo (at papasa). Ikaw yata, nasa kung saan. Hindi ko alam. Basta sa isip ko napi-picture kita na may desk sa isang opisina, papasok ng alas-otso at lalabas nang alas-singko. Sa katapusan ng buwan, susuweldo. Siya ,nandito pa rin. Nagkakasabay kami sa paglalakad minsan papunta sa Vinzons o Katipunan. Di pa siya guma-graduate. Pero malapit na yata. Ganyan talaga. Minsan hindi natin makukuha ang mga bagay na gusto natin. (Teka, sino ba ang sinasabihan ko nito: ako , ikaw , o siya ?)

tungkol sa libro at post-it

sabi nga ni grace, ang love story mo daw ay isang libro. isang bukas na libro na ang mga pahina ay nababasa ng lahat. sa maiksing usapan namin, para bang pinapalabas nya na isa akong section o chapter sa librong iyon. pero hindi. isa akong side note. isang comment na isinulat sa post it (tulad ng madalas mong ginagawa) at idinikit sa gilid. malamang nga, sa ngayon, wala na ako sa pagkakadikit na iyon. keri lang. keber. dalawa lang ‘yan e: makidikit sa bagong libro o magsulat ng sarili.

tungkol sa ako, ikaw, at siya

Tapos na ang klase, pero hindi pa ako umuuwi. Hindi pa kumpleto ang araw ko kapag hindi pa dumarating ang ganitong pagkakataon. After all, ang root word naman ng "maghapon" ay "hapon"; kaya para sa akin, matapos ang malalim na gabi, mahabang umaga at mainit na tanghali, nagsisimula pa lang ang essence ng pagpasok ko sa school. Ikaw rin. Naroon ka rin sa loob ng silid-aralan tulad ko, kahalubilo ng iba pa nating kamag-aral na kung anu-ano ang pinagkakaabalahan. Ikaw ang aking isla sa gitna ng malawak na dagat ng mga usapan at kulitan. Ikaw ang sumasagip sa akin mula sa pagkakatangay ng iba’t-ibang alon ng personalidad sa maliit na mundo ng klase. May apat na taon din akong na-stranded sa iyong mga baybayin. Siya ? Wala siya. Wala na siya. Gugugulin niya ang hapon sa labas. Ako ang magtatanong. Kukumustahin ko ang buhay mo, na para bang hindi ko namamasdan ang kabuuan nito. Magtatanong ako sa mga nangyari sa araw mo, na para bang hindi mo ako kasama mula...

tungkol sa buhay na pang-Big Brother at MMK

binibiro pa nila ako. "ipadala natin sa ‘Maalaala Mo Kaya’ yung kwento mo!" pang-aasar ng isa. "magaling ka namang magsulat e." "tapos i-request mo na si jericho [rosales] ang gumanap bilang ikaw," dugtong ng isa pa, habang humahagikhik. actually, wala akong issue dun sa pagganap ni echo bilang ako (hahahahahahahahahhaha!!!). sa totoo lang, hindi rin naman issue sa kin yung ipadala ang kwento ko sa MMK. yung mga lumalabas kasi ngayon na kwento sa MMK ay mga kakaibang kwento, mga kwento ng extraordinaryong hirap na dinanas ng iba. marami ang naantig. kapag ipinadala ko naman ang kwento ko, isa naman itong istorya na napaka-ordinaryo, napaka-common. marami ang makaka-relate. ang isyu nga lang sa kin, yung aktuwal na pagsusulat. mahirap magsulat kapag ang bawat pluma na kumakaskas sa papel ay isang punyal na sumasaksak sa pagkatao. mahirap magsulat kapag ang bawat tuldok at guhit ay isang patak ng dugo mula sa sugatan mong puso. mahirap magsu...