Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2010

tungkol sa mga kasalan ngayong Disyembre

di ba Hunyo? ang buwan ng mga kasalan? hindi ko alam kung may kinalaman ba sa pangalan ng buwan ito, pero nakagawian nang ituring na wedding month ang buwang ipinangalan kay Juno, ang diyosa ng mga kababaihan sa mitolohiyang Romano. tuwing Hunyo ay naglalabasan ang mga bagay na may kinalaman sa mga kasal: mula sa mga display sa mga mall hanggang sa mga features sa mga magasin. kaya marami ang pumipili sa Hunyo bilang buwan ng kanilang pag-iisang dibdib. ***** pero ngayong Disyembre, nagkasunud-sunod ang mga kasalan na nababalitaan ko sa maliit na mundo ng mga kaibigan at kakilala ko. may kinalaman kaya rito ang lamig ng mga gabi ng Disyembre? nariyan si Ate Ianne, na nitong Lunes ay ikinasal kay Anthony. nahilingan pa nila ako (kasama si Ate Bhazel) na maging emcee sa piging ng kasalan. ang isang pares sa mga ninong at ninang ay hindi nakarating: sina Sir Chris at Ma'am Sher. ang dahilan? kinabukasan ay dadalo sila sa isang (nahulaan nyo na siguro) kasalan, sa pagkakataong ...

tungkol sa kaiklian ng buhay

matagal din siyang naratay, nalimitahan dahil sa stroke. sa loob ng ilang mga buwan ay nagtulung-tulong ang pamilya niya sa pag-akay at pagbabantay sa kaniya. pero nitong nakaraang linggo, bumigay rin ang kalusugan niya. tuluyan nang nagpaalam ang ama ng isang kaibigan namin ni Steph. mga ilang linggo pa ang nakalipas, nabalita naman sa UP ang pagkamatay ng dalawa sa mga propesor sa Department of Biology. ang isa ay dahil sa natural na mga kadahilanan; ang isa, mas masaklap ang kinahantungan dahil sa pagkamatay sa mga bala ng militar. sa pana-panahon, ginugulat tayo ng mga balita ng mga buhay na nawala. kakambal na ng buhay ang kamatayan, at tayo mismo ay hindi nakatitiyak sa kung kailan at kung paano tayo mamamatay. isang bagay ang tiyak: ang kamatayan ay isang masaklap, malungkot na pangyayari, isang bagay na iniiwasan ng lahat. mula sa http://tanlucypez.blogspot.com/2009/01/yep-its-officially-cold-outside.html pero may itinuturo sa atin ang kamatayan. ang kamatayan ang ka...

tungkol sa pag-alarm ng cellphone sa umaga

sa modernong mundo, napalitan na ang pagtilaok ng manok ng pag-iingay ng mga naimbentong kagamitan bilang panggising sa umaga. nagsimula iyan sa mga mekanikal na alarm clock na bandang huli'y naging elektroniko na rin. at siyempre, nitong huli, ang alarm clock ay isa nang feature sa halos lahat ng cellphone. ***** nagsisimula ang bawat kong umaga sa pag-iingay ng cellphone. isa, makalawa, makaitlong mag-aalburoto pa ito bago ako mapapayag na bumalikwas mula sa kama. hindi nakakatulong ang malamig na mga gabi ng Nobyembre para pabilisin ang pagkilos ko. kung minsan, dala na rin siguro ng sobrang pagod, wari bang naiinis na ako sa paulit-ulit na pag-ring ng alarm ng cellphone, na para bang ang cellphone ay isang tao na titigil sa pangungulit kung kainisan. ang buong proseso ng gisingan ay umaabot kung minsan ng mga kalahating oras, kung minsa'y gumigising sa lahat ng tao sa bahay maliban sa akin. ***** sa paggising, muli akong hahango tungo sa modernong mundo. mabil...

tungkol sa mga walang-lamang mga burador

noo't noon pa man, ang blog na ito na ang sumalo sa lahat ng mga buhos ng damdamin. nasasaling ko lang ito kapag may kurot sa puso o tadyak sa pagkatao; nang bandang huli, naging saksi rin ito sa mga pag-igpaw sa kagalakan. nang maglaon ay bumuo ako ng iba pang blog para iulat ang mga kaganapan sa iba pang aspekto ng aking buhay, at kung dalas o dalang lang din naman ang usapan ay matagal nang tinalo ng mga nahuli itong blog na ito na nauna. gaya ng isang tunay na panganay, nasapawan na ang blog na ito sa atensiyon ng mga bunso. sa ngayon, sa pagtungo ko sa Dashboard ng Blogger para magsulat pang muli - hindi rito, kundi sa blog ko sa pagtuturo - napansin kong kaunti na lamang ang agwat ng huli sa una. kaya sa halip na magpaskil ng isang paalala sa mga estudyante, ipinasiya kong hawiin ang mga landas pabalik sa blog na ito. hinawan ko ang matataas na "damo" para muling hanapin ang mga iniwan kong bakas sa mga naunang paglalakbay. at ang una sa gayong mga bakas na sa...

tungkol sa mga binibili sa National Bookstore

Babala: Hindi ito isang patalastas para sa National Bookstore o anumang produktong nabanggit. ako ang tipo ng tao na kapag pinabayaan mo sa mall ay pipiliing pumasok sa National Bookstore kaysa sa Timezone o sa department store. hindi ko alam; nasa dugo ko na marahil ang pagka-geek, kaya may kung anong panghalina ang school supplies kaysa sa sapatos o laruan. at, sabihin pa, ang bookstore na kinalakihan ko, gaya ng maraming iba pa, ay ang National Bookstore. naroon sa mga estante ng National ang mga papel. may guhit o wala, puti o may kulay, matigas o malambot, malaki o maliit. at sa halos lahat ng dulo ng mga estanteng iyon, naroon ang mga makukulay na bolpen. iyon, iyon ang aking puntirya. marahil ay nakasanayan ko na ito, dahil noong bata pa ako, kaunti lamang ang pera ko anupat bolpen lang ang luhong nakakayanan ko. ang dating limang pisong Panda at dalawampung pisong Pilot ay paborito kong ipunin at ipanulat ng mga tula at maiksing kuwento, na ang mga kopya, gaya ng mga is...

tungkol sa pera

ang pera na siguro ang pinakaabalang imbensiyon ng tao. isang paparating na pelikula ang may subtitle na "Money never sleeps". kung tutuusin, sa literal na diwa ay totoo ang mga pananalitang ito. ang piso ay sandali lamang kung makapahinga sa bulsa o alkansya, at malamang na magpatuloy na magpasalin-salin sa kamay ng kung sinu-sino hanggang sa makatarating ito sa bangko sentral, kung saan maari itong mapalitan. kung hindi man, kung gayo'y hindi pa rito natatapos at magpapanibagong ulit pa ang siklo ng pag-ikot ng kawawang piso. ang pera nga daw ang nagpapaikot sa mundo. sa puntong ito, hindi na literal na masasabing totoo ang nasabing bagay. sa pisikal na diwa, umiinog ang mundo nang dahil sa mga batas ng grabidad. sa katunayan, umikot na nang di mabilang na ulit ang planeta kahit pa noong mga panahong wala pa ang pera. kahit pa noong mga panahong wala pang kalakalan. kahit pa noong mga panahong wala pa ang tao. oo, tao ang nag-imbento sa pera. tao ang dapat magpa...

tungkol sa paglilipat

masakit sa ilong ang paulit-ulit na pagbahing dahil sa alikabok. alikabok na dala ng paghalukay sa mga tambak ng papel at aklat, mga naka-folder at envelope na mga worksheet na nakasiksik sa kailalim-ilaliman ng malaki at lumang aparador. walang saysay ang panyong tumatakip sa mukha dahil wari bang pinuno na nito ang hangin sa loob ng saradong 3234. masakit sa ulo ang paghahanap ng mga kahon. mga kahong paglalagyan ng ilan pang mga gamit na nakuha mula sa mga estante at drawer. ang inaakala mong sapat nang tatlo o apat na balikbayan boxes ay kulang pa pala para sa personal mong mga gamit; hindi pa kasama ang mga papel ng mga estudyante na kailangan mong ingatan sa loob ng limang taon. nagkakaubusan na rin ng envelope at plastic bag sa mga faculty room. masakit sa katawan ang pagbubuhat. hindi mo naman pwedeng basta itulak ang mga kahon at kabinet sa ngayo'y magaspang nang sahig ng pasilyo. hindi rin madali ang iwasan ang mga gamit ng mga laboratoryo na nakahi...

tungkol sa hindi paghinto (isang paalala sa sarili)

mas obvious ito sa pamamasyal. kapag napunta ka sa isang lugar na walang masyadong makitang maganda, boring, maputik o maalikabok, mainit o, sa pangkalahatan, pangit, ano ba ang gagawin mo? siyempre, hindi ka hihinto. maglalakad ka. magta-traysikel. sasakay ng bus, eroplano o bangka para makarating sa lugar na interesante. e pano naman kung masumpungan mo ang sarili mo sa opisina, mag-isa, baka nga dulo pa ng sanlinggo ay nagtatrabaho pa. wala kang matapos at nagpapatung-patong na ang problema. sa dami ng gagawin mo ay nakakalimutan mo nang kumain at dahil sa pawis ay inuubo ka na. tanong: hihinto ka ba? ganyan ang marami sa atin. kapag pangit ang mga kalagayan, saka sila humihinto. pero ang buhay ay isang mahabang paglalakbay at tiyak na darating at darating ang panahon na mapapadpad tayo sa "lugar" na "pangit", "mainit" at "magulo". kaya gaya sa totoong paglalakbay, lakad lang ng lakad. ano kung paisa-isang hakbang? ano kung gapan...

tungkol sa atin

nariyan ka ngayon, nakikipagbuno ng gilas at bilis sa pusod ng magulong lunsod. ang lawak at lapad ng ating pagitan ay pinaliliit ng gahiganteng mga gusaling abot-tanaw mula rito, anupat parang nariyan ka lang, handa akong samahan saanman at kailanma't maibigan. kung sabagay. anumang agwat at layo ay hindi alintana ng nagmamahal na puso. heto ako ngayon at naghahasa ng galing at talas. sila? sila tayo noon: mga mabikas at mapangusap, na ang mga matang nakamulagat ay handang sagapin ang lahat ng imahe ng daigdig at ang mga dilang hitik sa salita ay handang lasapin ang mundo. sila naman. sila naman ang makararanas na ang buhay ay hindi lamang isang masarap na panaginip na bunga ng mabungang tulog, kundi minsan ay isa ring palaisipan at kalbaryo. nawa'y makuha nila, mula sa akin, ang katotohanang nabatid din natin: na anumang sarap o hirap ang ibato ng pagkakataon, ang mahalaga'y may kasama kang sumalo nito. hayun tayo o. tanaw din dito ang ...

tungkol sa faculty room

ito'y isa na namang pinagpalang umaga, nabanggit ko sa sarili, habang humahangos palabas ng aming kanto kasabay ng marami pang ibang trabahador na muling magsisimula ng ikalawang araw ng linggo. inihahatid ako ng "With a Smile" ng Eraserheads (sa mp3 player ng cellphone) patungo sa sakayan ng jeep. gaya ng dati - halos araw-araw sa loob ng siyam na taon - sa Katipunan ang destinasyon ko, upang muling magpahatid sa isa pang jeep patungo naman sa UP. mabilis ang biyahe, at wala namang kahit anong nakasira sa magandang pasimula ng araw. mahaba naman ang pasensya ko para sa katabi kong "nagsasayaw" habang tulog. humarurot ang jeep sa mga pamilyar na daan: Masinag, Sta. Lucia, Ligaya, Santolan; aba, Katipunan na pala. kasabay ng iba pang estudyante at mga empleyado, binagtas naman namin ang mga daang nag-uugnay sa Ateneo, Miriam, at sa aking mahal na unibersidad. nakasabay ko sa pagbaba sa tapat ng overpass (sa harap ng UPIS) ang isang estudyante; buweno, mas nai...