Lumaktaw sa pangunahing content

tungkol sa hindi paghinto (isang paalala sa sarili)

mas obvious ito sa pamamasyal.

kapag napunta ka sa isang lugar na walang masyadong makitang maganda, boring, maputik o maalikabok, mainit o, sa pangkalahatan, pangit, ano ba ang gagawin mo? siyempre, hindi ka hihinto. maglalakad ka. magta-traysikel. sasakay ng bus, eroplano o bangka para makarating sa lugar na interesante.



e pano naman kung masumpungan mo ang sarili mo sa opisina, mag-isa, baka nga dulo pa ng sanlinggo ay nagtatrabaho pa. wala kang matapos at nagpapatung-patong na ang problema. sa dami ng gagawin mo ay nakakalimutan mo nang kumain at dahil sa pawis ay inuubo ka na.

tanong: hihinto ka ba?

ganyan ang marami sa atin. kapag pangit ang mga kalagayan, saka sila humihinto.

pero ang buhay ay isang mahabang paglalakbay at tiyak na darating at darating ang panahon na mapapadpad tayo sa "lugar" na "pangit", "mainit" at "magulo". kaya gaya sa totoong paglalakbay, lakad lang ng lakad. ano kung paisa-isang hakbang? ano kung gapang? ang maliliit na pag-usad ang siyang magdadala sa iyo palayo sa kalagayang ito na kinaaayawan mo.

sino ang makakapagsabi? malay mo, ang hinahanap mong magandang "lugar" ay malapit lang. :)



PS makatutulong din siyempre ang literal na pagbiyahe. :)

Mga Komento

  1. sir, kya yan. matatapos din po ang hell week..XD

    TumugonBurahin
  2. Hahaha! Salamat. Actually sa akin, nagsisimula pa lang. Hehehe. :)

    TumugonBurahin
  3. oo nga no... ang galing nyo Sir. God bless :)

    TumugonBurahin
  4. sir, pwede nyo po ba ipost ung grade namin sa google site before submitting it to crs? thanks!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

tungkol sa paglubog ng araw at sa pagpapahalaga sa iba

Ang bawat paglubog ng araw ay naiiba sa iba pa. Siguro, hindi pa naman nagkakaroon ng dalawang sunset na parehong-pareho. Pero ang bawat paglubog ng araw, makatitiyak tayo, ay ubod ng ganda. Gaya ng isang blangkong telang asul na sinabuyan ng iba’t-ibang mga kombinasyon ng pula, dalandan, at dilaw, ang huling mga bakas ng liwanag ng araw ay isang bagay na pwede nating kamanghaan at pagnilay-nilayan, isang obra na nakapaskil sa isang malawak na gallery ng himpapawid.  Pero ang paglubog ng araw ay laging dumarating. Bawat gabi, hindi ito pumapalya. Nag-iiba-iba ang oras kung kailan ito nangyayari, pero sigurado kang darating at darating ito. Dahil sa pagiging maaasahan ng paglubog ng araw, kung minsan ay hindi na ito masyadong nagiging mahalaga sa atin; hindi na natin napapansin ang dulot nitong ganda.  Gaya rin ng isang masarap na ulam na hindi naman nagbabago ang timpla pero nakakasawa rin kapag palaging inihahain. O ng isang awiting napakaganda sana, pero pinat...

tungkol sa romantikong pag-ibig

Ang romantikong pag-ibig ang isa sa pinakamahirap unawaing damdamin ng tao.

tungkol sa tagsibol

Nasa rehiyong tropikal ang Pilipinas; sabihin pa, wala ito ng apat na temperate seasons na nararanasan ng mga rehiyong mas malapit sa mga polo. Nagtataka tuloy ako kung bakit kumpleto ang mga salitang Filipino para sa apat na panahong ito: taglamig, tagsibol, tag-araw, at taglagas. Produkto kaya ito ng maagang interaksiyon natin sa mga Europeo? Marahil; pero ang mas nakapagtataka pa rito, aktuwal na lumikha tayo ng mga katumbas na salita, at hindi na lang humiram mula sa Kastila o Ingles (hindi ba't tunog Pinoy na rin naman ang "primavera" ("spring") at "verano" ("summer"), at madali rin namang hiramin ang "winter" o "fall"?). Para lalo pang ilarawan ang punto: may espisipikong salita tayo para sa apat na ito, pero para sa salitang Ingles na "season" mismo, wala tayong espisipikong salitang maitumbas; ang pinakamalapit nang salin ay ang panglahatang "panahon" na ginagamit din natin para sa maraming ...