mas kalmado na ako, at hindi na halos nananabik. sa gitna ng ingay at init ng mga katawang nakabarong o puting saya na nagsiksikan sa lobby ng film institute, naroon ako, noong una'y nasa harap pa ng pila, inip na inip sa tagal ng pagsisimula ng recognition program ng college of science. biniro ko pa ang nakasalubong kong si atchong: "first time mo?" kasi hindi ko na first time. ikatlong sunod na taon ko nang dumadalo sa graduation, at ikalawa na ako ang aakyat sa entablado. naabutan ko pa ang huling graduation ni dr. rhodora azanza bilang dekano, at ang una naman ni dr. caesar saloma. marami mang nagbago ay higit namang marami ang nanatili; pangunahin na ang mga titik na nakalagay sa entablado: "PAGKILALA'T PARANGAL SA MAGSISIPAGTAPOS NA MAG-AARAL," na makailang libong ulit na yatang ginamit at pinapalitan lang ng taon. malulubos na sana ang aking inip kung hindi pa umeksena si tons at nagpakuha ng mga larawan. sinabayan ng ulan sa labas ang ulan ng fla...