tungkol sa mga eroplano, paglipad, at mga paliparan
Noong bata ako, ang pagbiyahe sa himpapawid ay hindi pa kasing pangkaraniwan gaya ng sa ngayon, kaya may dalang misteryo at pagkamangha ang mga eroplano at ang paglipad. Halos araw-araw, sa gitna ng paglalaro, hihinto kaming magkakaibigan upang tumingala sa isang dumaraang eroplano (kung minsan pa nga ay waring sobrang baba, dahil siguro sa taas namin sa Antipolo) at kakaway, magba-'babay'.
Nabawasan ang misteryo nang makakita ng totoong mga eroplano na nakaparada sa paliparan, habang naghahatid ng mga mangingibang-bansang mga kaibigan at kamag-anak. Naging totoo at hindi na malayo ang karanasan nang ang mismong kapatid ang kinailangang lumipad. Bandang huli, dahil sa trabaho at mga bakasyon, nakasakay na rin ako ng eroplano, at tuwang tuwa habang tumatanaw sa direksiyong kabaligtaran ng sinisipat ko noong aking kabataan.
Nabawasan man, o tuluyan pa ngang nawala, ang misteryo, naroon pa rin ang paghanga sa modernong mga "himalang" ito ng teknolohiya. Kung iisipin na ang teknolohiyang ito ay katutuntong pa lamang ng isang siglo, nakamamangha kung gaano kalaki na ang naging pagsulong dito, kung pag-uusapan ang bilis, pagiging komportable, kaligtasan, at lawak ng paglaganap pagdating sa mga biyahero (hindi na lang ito para sa mayayaman, kundi para sa halos lahat ng estado ng pamumuhay) at mga destinasyon (buong mundo, at maging ang kalawakan pa nga).
Ang ideya ng paglipad ay isang matagal nang adhikain ng tao, malaong panahong naging paksa ng mga alamat gaya ng kina Daedalus at Icarus, marahil ay dala ng pagmamasid at pagkainggit sa matayog na pagsalimbay ng mga ibon. Pero ang alamat ay naging isang realidad, at mabibilang sa daliri ang mga henerasyong nakasaksi nito, lalo pa nga ang mga lubusang nakinabang mula rito. Sa diwa, matapos ang matagal na paghihintay, ngayon ay posible nang suyurin ang kalangitan at marating ang pinakamalalayong sulok ng mundo - na mas komportable kaysa sa pagkampay ng mga ibon, at mas ligtas kaysa sa naging karanasan ni Icarus. Kaya naman, sa maraming paraan, ang paglipad ay isang magandang metapora para sa kalayaan.
Kung gayon, sa katulad na paraan, masasabing ang mga paliparan ay mga larawan din ng kalayaan, hindi ba? Aba, ang karamihan ng mga tao sa mga airport ay alinman sa papalipad o kagagaling pa lamang sa paglipad! Narito rin ang mga tao mula sa iba't-ibang pinagmulan, anuman ang pasaporte, kulay at lahi.
Buweno, ang sagot ko diyan ay isang tumataginting na hindi.
Sa katunayan, kung tutuusin, ang mga paliparan ay gaya ng maliliit na mga bansang may diktaduryang rehimen. Dito ka makakakita ng mahahabang listahan ng mga pwede at hindi pwede. Mga limitasyon - halimbawa, sa laki at bigat ng iyong gamit - at matataas na multa sa paglampas rito. Mga pulis at security na nagsasaliksik ng iyong pagkakakilanlan at nangangapkap sa iyong katawan at mga bagahe - at, sa ilang mas malalang sitwasyon, dadalhin ka pa sa maliliit na "presinto" para sa matagal na interogasyon.
Ang totoo, ang mga airport ang pinakaayaw kong bahagi ng paglipad. At sa palagay ko ay hindi ako nag-iisa. Sa Estados Unidos, lalo na, ang mapait na karanasan ng 9/11 ay lalo pang nagpahigpit sa mga proseso sa paliparan, at marami na ang nagrereklamo, bagamat wala naman talaga silang magagawa.
Kapag sinilip mula sa gayong anggulo, nagkakaroon ng saysay ang lahat. Gaya nga ng sinasabi nila, wala nang libre ngayon. Hindi lang iyan kumakapit sa pera, kundi maging sa iba pang bagay na itinuturing natin na mahalaga: buhay, kaayusan, kaligtasan, kaligayahan. At, balintuna, maging sa kalayaan.
Kung ang paglipad sa mga eroplano ang modernong manipestasyon ng kalayaan, ang madugong mga proseso sa airport ang ibinabayad natin bilang katumbas ng kalayaang ito. Isang kabalintunaan, kung tutuusin, dahil hindi na ito maituturing na lubos na kalayaan kung gayon. Pero hindi na bale. Sa bandang huli, nasa iyo pa rin naman kung paano mo susumahin ang iyong buong karanasan, mula sa paliparan hanggang sa paglipad hanggang sa iyong destinasyon.
Pwede kang magpaka-negatibo at tingnan ang abala at aberya ng airport security at ang pagkabagot ng paglipad.
Sa kabilang banda, pwede mong isaisip na ang pagkanaroroon mo ay isang karanasang inasam pero hindi naging posible sa marami sa iyong mga ninuno. Kung posible, pwede kang sumilip sa bintana sa ibaba at isiping baka may mga bata roon na gaya mo noon ay tumitingala nang may pagkamangha sa kung nasaan ka man ngayon. ●

Ang maulap na kalawakan sa ibabaw ng gitnang Asya. Kuha noong unang pagbisita ko sa Europa. |
Nabawasan man, o tuluyan pa ngang nawala, ang misteryo, naroon pa rin ang paghanga sa modernong mga "himalang" ito ng teknolohiya. Kung iisipin na ang teknolohiyang ito ay katutuntong pa lamang ng isang siglo, nakamamangha kung gaano kalaki na ang naging pagsulong dito, kung pag-uusapan ang bilis, pagiging komportable, kaligtasan, at lawak ng paglaganap pagdating sa mga biyahero (hindi na lang ito para sa mayayaman, kundi para sa halos lahat ng estado ng pamumuhay) at mga destinasyon (buong mundo, at maging ang kalawakan pa nga).
Disenyo ng mga eroplanong pandigma noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa isang museo sa Dresden. |
Ang ideya ng paglipad ay isang matagal nang adhikain ng tao, malaong panahong naging paksa ng mga alamat gaya ng kina Daedalus at Icarus, marahil ay dala ng pagmamasid at pagkainggit sa matayog na pagsalimbay ng mga ibon. Pero ang alamat ay naging isang realidad, at mabibilang sa daliri ang mga henerasyong nakasaksi nito, lalo pa nga ang mga lubusang nakinabang mula rito. Sa diwa, matapos ang matagal na paghihintay, ngayon ay posible nang suyurin ang kalangitan at marating ang pinakamalalayong sulok ng mundo - na mas komportable kaysa sa pagkampay ng mga ibon, at mas ligtas kaysa sa naging karanasan ni Icarus. Kaya naman, sa maraming paraan, ang paglipad ay isang magandang metapora para sa kalayaan.
Kung gayon, sa katulad na paraan, masasabing ang mga paliparan ay mga larawan din ng kalayaan, hindi ba? Aba, ang karamihan ng mga tao sa mga airport ay alinman sa papalipad o kagagaling pa lamang sa paglipad! Narito rin ang mga tao mula sa iba't-ibang pinagmulan, anuman ang pasaporte, kulay at lahi.
Buweno, ang sagot ko diyan ay isang tumataginting na hindi.
Sa katunayan, kung tutuusin, ang mga paliparan ay gaya ng maliliit na mga bansang may diktaduryang rehimen. Dito ka makakakita ng mahahabang listahan ng mga pwede at hindi pwede. Mga limitasyon - halimbawa, sa laki at bigat ng iyong gamit - at matataas na multa sa paglampas rito. Mga pulis at security na nagsasaliksik ng iyong pagkakakilanlan at nangangapkap sa iyong katawan at mga bagahe - at, sa ilang mas malalang sitwasyon, dadalhin ka pa sa maliliit na "presinto" para sa matagal na interogasyon.
Mula sa bintana ng Hong Kong International Airport. |
Ang totoo, ang mga airport ang pinakaayaw kong bahagi ng paglipad. At sa palagay ko ay hindi ako nag-iisa. Sa Estados Unidos, lalo na, ang mapait na karanasan ng 9/11 ay lalo pang nagpahigpit sa mga proseso sa paliparan, at marami na ang nagrereklamo, bagamat wala naman talaga silang magagawa.
Kapag sinilip mula sa gayong anggulo, nagkakaroon ng saysay ang lahat. Gaya nga ng sinasabi nila, wala nang libre ngayon. Hindi lang iyan kumakapit sa pera, kundi maging sa iba pang bagay na itinuturing natin na mahalaga: buhay, kaayusan, kaligtasan, kaligayahan. At, balintuna, maging sa kalayaan.
Kung ang paglipad sa mga eroplano ang modernong manipestasyon ng kalayaan, ang madugong mga proseso sa airport ang ibinabayad natin bilang katumbas ng kalayaang ito. Isang kabalintunaan, kung tutuusin, dahil hindi na ito maituturing na lubos na kalayaan kung gayon. Pero hindi na bale. Sa bandang huli, nasa iyo pa rin naman kung paano mo susumahin ang iyong buong karanasan, mula sa paliparan hanggang sa paglipad hanggang sa iyong destinasyon.
Pwede kang magpaka-negatibo at tingnan ang abala at aberya ng airport security at ang pagkabagot ng paglipad.
Sa kabilang banda, pwede mong isaisip na ang pagkanaroroon mo ay isang karanasang inasam pero hindi naging posible sa marami sa iyong mga ninuno. Kung posible, pwede kang sumilip sa bintana sa ibaba at isiping baka may mga bata roon na gaya mo noon ay tumitingala nang may pagkamangha sa kung nasaan ka man ngayon. ●
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento