tungkol sa magkaibang mundo
Nitong nagdaang mga buwan, ang lahat ng mga babae sa pamilya ko - asawa, nanay, mga kapatid, maging ang maliit kong pamangkin na kakatuto pa lang magsulat ng pangalan - ay nahumaling sa isang sikat na telenobela, na kung saan ang isang mahirap pero pursigidong babae ang nagsilbing yaya sa batang anak ng isang guwapong biyudo. Gaya ng inaasahan, may pag-iibigang nabuo sa pagitan ng yaya at ng biyudo sa kabila ng mga hadlang (hindi ko na idedetalye, kunwari ay hindi ko alam). Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang istorya, at, kung sakaling natuloy ang pagsasapelikula nito, tiyak na susubaybayan pa rin ito ng pamilya ko at ng publiko.
Iniisa-isa ko ang mga telenobelang talagang pinanood ko - hindi sila madami, sa totoo lang - at isang mahalagang elemento ang waring matatagpuan sa lahat sa kanila. Iyon ay na ang mga bida ay mula (o magsisimula) sa magkaibang mundo.
Sa Pilipinas, ilan sa mga variation ay: isang tindero o drayber ang makaka-krus ng landas ng isang mayamang tagapagmana; o kaya naman ay isang babaero, mayamang may-ari ng kompanya ang maiinlab sa isang mahirap na dalagang may pantanging talento. Sa mga nagmula sa ibang bansa, pumapasok din ang tema ng mga maharlika, mga prinsipe/prinsesa na umiibig sa pangkaraniwang mga tao. At hindi lang ito tumutukoy sa mga pagkakaiba sa estado ng pamumuhay; kung minsan, may makapangyarihang mga elemento rin na sangkot. Naghahanap din ng "tunay na pag-ibig" ang mga bampira, sirena, lobo, at kung anu-ano pang mga karakter mula sa alamat.
Upang lalo pang idiin ang elementong ito, kadalasan nang may mga karakter na gaganap bilang dating pag-ibig ng isa sa mga bida. Ang karakter na ito ay mula sa katulad niyang mundo. Isang mayaman ding tagapagmana, o isa ring maharlika. O isang kasintahan o malapit na kaibigan na mula rin sa kahirapan. Kadalasan nang ipinakikitang nagkaroon din ng tunay na pagtitinginan ang dalawang taong ito na mula sa magkatulad na pinagmulan; pero, sa paanuman, ang pagtitinginang ito ay mawawala, masisira, sa pagdating ng isa na nagmula sa kakaibang mundo. Madalas, dito iikot ang istorya, habang sinisikap ng iniwang pag-ibig na maghasik ng gulo.
Ang mga storyline na ito ay nilayon naman talaga na maging romantiko. Tila ba hindi mauubusan ng tunggalian ang gayong mga istorya: mula sa napakalaking pagkakaiba ng estado at pag-uugali na unti-unting napagtagumpayan upang magkaroon ng tunay na pag-ibig; tungo sa pakikipaglaban sa mga pamilya, mga dating kasintahan, tila ba sa buong mundo pa nga, upang ipagtanggol ang pag-ibig na iyon; hanggang sa isang mahalagang sandali, isang trahedya marahil, na magpapabago sa isip ng karamihan upang matanggap ang bawal na pag-ibig.
Sa nakikita ko sa pagmamasid sa mga kapamilya kong nanonood, ang maliliit na sandaling iyon kung kailan ang isa sa mga bida ay aayon sa estado ng isa pa ang nagdudulot ng saya at kilig sa kanila (na siya namang nagpapangyari upang patuloy itong subaybayan). Mas matindi ang epekto nito kapag ang nasa posisyon ng kapangyarihan - ang mayaman, maharlika, o ang may mahika - ang bumaba sa lebel ng isa na pangkaraniwan. Hindi tayo lahat mga CEO o mga eredera, kaya kapag nakita natin na ang CEO ng kompanya ay tumikim ng balut, o ang mayamang eredera ay sumakay ng jeep, mas nakaka-relate tayo sa istorya dahil ipinipinta nito ang isang larawan na kung saan ang mga nakatataas ay puwede ring magpakababa - tunay nga, pwede rin nating maabot, makilala, ... mahalin.
Totoo, sa tunay na buhay ay bihira naman talagang mangyari ito. Kadalasan na, nahahanap natin ang isang iyon na pakamamahalin natin sa pinakamalalapit nating mga kaibigan at kasamahan. At tiyak na nakakakilig din ang mga pinagdaanang proseso upang paglapitin ang mga mundong iyon, bagamat hindi ganoon kalayo ang agwat.
Hindi naman sinasabi ng mga telenobela na ang pagtitinginan ng dalawang taong may magkapantay na estado ay boring o nakatakda pa ngang magtapos. Sa katulad na paraan, hindi rin ibig sabihin na ang pag-iibigan ng dalawang taong may malaking pagkakaiba at pinagmulan ay magiging napakatagumpay sa tunay na buhay. Ang gayong mga kuwento ay paglalarawan lamang siguro ng mga extreme cases. Kung meron man tayong aral na mapupulot mula sa mga ito, iyon ay na ang pag-ibig ay napakamakapangyarihan at napakalawak anupat maging ang pinakamalalayong agwat sa pagitan ng dalawang tao ay kaya nitong pagdugtungin. Ang kinakikiligan nila - sige na nga, natin - ay hindi ang pagkakaiba ng dalawang mundo, kundi kung paano pinalalabas ng pag-ibig ang pagkakatulad ng mga ito. ●
Kunwari hindi ko ito alam. Larawan mula rito. |

Sa kasong ito, ang kinidnap at ang kidnaper. Larawan mula rito. |
Upang lalo pang idiin ang elementong ito, kadalasan nang may mga karakter na gaganap bilang dating pag-ibig ng isa sa mga bida. Ang karakter na ito ay mula sa katulad niyang mundo. Isang mayaman ding tagapagmana, o isa ring maharlika. O isang kasintahan o malapit na kaibigan na mula rin sa kahirapan. Kadalasan nang ipinakikitang nagkaroon din ng tunay na pagtitinginan ang dalawang taong ito na mula sa magkatulad na pinagmulan; pero, sa paanuman, ang pagtitinginang ito ay mawawala, masisira, sa pagdating ng isa na nagmula sa kakaibang mundo. Madalas, dito iikot ang istorya, habang sinisikap ng iniwang pag-ibig na maghasik ng gulo.
Gaya nina Gabriel, Via, at ng kawawang si Michael. Larawan mula rito. |
Ang mga storyline na ito ay nilayon naman talaga na maging romantiko. Tila ba hindi mauubusan ng tunggalian ang gayong mga istorya: mula sa napakalaking pagkakaiba ng estado at pag-uugali na unti-unting napagtagumpayan upang magkaroon ng tunay na pag-ibig; tungo sa pakikipaglaban sa mga pamilya, mga dating kasintahan, tila ba sa buong mundo pa nga, upang ipagtanggol ang pag-ibig na iyon; hanggang sa isang mahalagang sandali, isang trahedya marahil, na magpapabago sa isip ng karamihan upang matanggap ang bawal na pag-ibig.
Sa nakikita ko sa pagmamasid sa mga kapamilya kong nanonood, ang maliliit na sandaling iyon kung kailan ang isa sa mga bida ay aayon sa estado ng isa pa ang nagdudulot ng saya at kilig sa kanila (na siya namang nagpapangyari upang patuloy itong subaybayan). Mas matindi ang epekto nito kapag ang nasa posisyon ng kapangyarihan - ang mayaman, maharlika, o ang may mahika - ang bumaba sa lebel ng isa na pangkaraniwan. Hindi tayo lahat mga CEO o mga eredera, kaya kapag nakita natin na ang CEO ng kompanya ay tumikim ng balut, o ang mayamang eredera ay sumakay ng jeep, mas nakaka-relate tayo sa istorya dahil ipinipinta nito ang isang larawan na kung saan ang mga nakatataas ay puwede ring magpakababa - tunay nga, pwede rin nating maabot, makilala, ... mahalin.
Totoo, sa tunay na buhay ay bihira naman talagang mangyari ito. Kadalasan na, nahahanap natin ang isang iyon na pakamamahalin natin sa pinakamalalapit nating mga kaibigan at kasamahan. At tiyak na nakakakilig din ang mga pinagdaanang proseso upang paglapitin ang mga mundong iyon, bagamat hindi ganoon kalayo ang agwat.
Hindi naman sinasabi ng mga telenobela na ang pagtitinginan ng dalawang taong may magkapantay na estado ay boring o nakatakda pa ngang magtapos. Sa katulad na paraan, hindi rin ibig sabihin na ang pag-iibigan ng dalawang taong may malaking pagkakaiba at pinagmulan ay magiging napakatagumpay sa tunay na buhay. Ang gayong mga kuwento ay paglalarawan lamang siguro ng mga extreme cases. Kung meron man tayong aral na mapupulot mula sa mga ito, iyon ay na ang pag-ibig ay napakamakapangyarihan at napakalawak anupat maging ang pinakamalalayong agwat sa pagitan ng dalawang tao ay kaya nitong pagdugtungin. Ang kinakikiligan nila - sige na nga, natin - ay hindi ang pagkakaiba ng dalawang mundo, kundi kung paano pinalalabas ng pag-ibig ang pagkakatulad ng mga ito. ●
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento