tungkol sa mga Sabado ng katamaran
Hindi pa rin ako lumalabas.
Ilang Sabado ko nang pinaplano na lumabas at gumala. Kung tutuusin, isang maliit na bahagi pa lang ng Dresden ang napuntahan ko, at karamihan pa dito ay noong unang punta ko noong Disyembre, at ang iba naman ay noong nandito ang kapatid at bayaw ko. Sa kalagitnaan ng linggo, lagi kong pinaplano na muling gamitin ang mga paa at mata sa paggalugad sa ibang bahagi ng aking lungsod.
Pero darating ang Sabado, at may kung anong pang-akit ang kama. May kung ilang balita sa Internet na hindi ko pa nabasa. May kung ilang patak ng ambon na waring kumakatok sa bintana.
May kung anong katamaran (na naman) na tumatama sa akin.
Kung sabagay; may kung ilang Sabado pa naman na darating. ●

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento