tungkol sa buhay na pang-Big Brother at MMK
binibiro pa nila ako. "ipadala natin sa ‘Maalaala Mo Kaya’ yung kwento mo!" pang-aasar ng isa.
"magaling ka namang magsulat e."
"tapos i-request mo na si jericho [rosales] ang gumanap bilang ikaw," dugtong ng isa pa, habang humahagikhik.
actually, wala akong issue dun sa pagganap ni echo bilang ako (hahahahahahahahahhaha!!!).
sa totoo lang, hindi rin naman issue sa kin yung ipadala ang kwento ko sa MMK. yung mga lumalabas kasi ngayon na kwento sa MMK ay mga kakaibang kwento, mga kwento ng extraordinaryong hirap na dinanas ng iba. marami ang naantig. kapag ipinadala ko naman ang kwento ko, isa naman itong istorya na napaka-ordinaryo, napaka-common. marami ang makaka-relate.
ang isyu nga lang sa kin, yung aktuwal na pagsusulat. mahirap magsulat kapag ang bawat pluma na kumakaskas sa papel ay isang punyal na sumasaksak sa pagkatao. mahirap magsulat kapag ang bawat tuldok at guhit ay isang patak ng dugo mula sa sugatan mong puso. mahirap magsulat kapag ang bawat pagkakamali ay kailangang burahin ng naubos mo nang luha.
habang nagkakape, naalala kong nag-iimbita ang isa sa amin sa pagsali sa Pinoy Big Brother. tinext sa kanya ng kaibigan nya ang schedule ng auditions.
ang comment naman ng isa, ilang bagay lang daw ang kailangan para manalo ka sa puso ng masa at sa PBB. (1) kailangan, meron kang pagkakakilanlan (geek na gwapo, for example); (2) dapat meron kang malungkot na kwento; at (3) dapat may ka-love team ka sa loob ng bahay.
hmmm…

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento