tungkol sa “aking prinsesa”
nasaan na nga ba ang "the teeth"?
isa sila sa mga banda na umusbong noong dekada 90, sa panahong tinatawag ko na unang bugso ng alternatibong rock na pinoy (ang ikalawang yugto ay ngayon, sa pangunguna ng bamboo, rivermaya, at iba pa). sa aking sariling klasipikasyon, nabibilang sila sa mga bandang tinatawag kong "minor bands," dahil relatively ay mas konti ang sumikat nilang kanta kung ikukumpara sa mga tinatawag ko namang "major bands" na kinabibilangan ng eraserheads at rivermaya.
naalala ko lang sila dahil sa mga panahong ito na nahihilig ako sa videoke, madalas na kinakanta ko ang kanilang "prinsesa."
ilan lang ang kantang ito sa mga kantang "masarap" awitin para sa akin. kuhang kuha ko ang range ng boses ng kumanta. mula sa mababang pasimula hanggang sa pataas na pasigaw na chorus. masarap din kasing magpaka-rakista kung minsan, kahit man lang sa kanta at attitude.
pero kahit masarap kantahin ang "prinsesa," mahirap itong i-interpret. walang resolution. walang definite ending. masaya ang tunog pero hindi ka sigurado sa happy-ever-after na ending.
nakaupo siya sa isang madilim na sulok
ewan ko ba kung bakit sa libu-libong babaeng nandoon
wala pang isang minuto nahulog na ang loob ko sa ‘yo
gusto ko sanang marinig ang tinig mo
umasa na rin na sana’y mahawakan ko ang palad mo
gusto ko sanang lumapit
kung di lang sa lalaking kayakap mo
nagpapasimula ang kanta sa obscurity. parang hindi bagay sa isang prinsesa na maupo "sa isang madilim na sulok." nagpapatuloy pa ang kanta: "ewan ko ba kung bakit sa libu-libong babaeng nandoon/ wala pang isang minuto nahulog na ang loob ko sa iyo." ibig sabihin, hindi ganun ka-pansinin ang "prinsesa" sa kanta. malayung-malayo sa napi-picture ng marami sa atin na itsura ng isang prinsesa: pansinin, nakukuha ang lahat ng atensiyon. kaya naman, mahihinuha na ang prinsesa sa kuwentong ito ay hindi talaga isang maharlika, kundi isang babae na mahirap maabot.
isa lang ang tinitiyak ng panimula ng kanta: taken ang prinsesa. may kung sinong "prinsipe" siyang kayakap.
dalhin mo ako sa iyong palasyo
maglakad tayo sa hardin ng ‘yong kaharian
wala man akong pag-aari
pangako kong habangbuhay kitang paglilingkuran
o aking prinsesa
maraming itinatawid ang chorus.
ang tense ng "dalhin" ay nagpapahiwatig na hindi pa nagaganap ang "pagdadala sa palasyo" at "paglalakad sa hardin". hindi; hindi pa ito nangyari noon, hindi pa kasalukuyang nangyayari at may pag-asa pa lang na mangyari sa hinaharap. malamang, ang "prinsipe" ang kasalukuyang nag-e-explore ng palasyo. ang prinsipe ang nakakamalas sa ganda ng hardin.
dahil siya ang ‘may pag-aari’. nakakalungkot ang kalagayan ng kumakanta: isa siyang pangkaraniwan, walang pag-aari kung ihahambing sa prinsesa. napakaliit ng tsansa niyang mapansin man lang.
pero pansinin kung ano ang iniaalok niya: "habang buhay kitang paglilingkuran." ang gayong kapahayagan ng wagas na pag-ibig ay higit na malaki ang halaga kaysa anumang kayamanan at karangyaan na maaring maibigay ng gradiyosong palasyo at makulay na hardin. sa katunayan, baka nga higit pa ang halaga nito sa buong kaharian ng prinsesa! ang tapat na pag-ibig na ito, sa wari, ay higit pa sa maibibigay ng kung sino man siya na "kayakap" ng prinsesa.
di ako makatulog
naisip ko ang ningning ng ‘yong mata
nasa isip kita buong umaga buong magdamag
sana’y parati kang tanaw
o ang sakit isipin
ito’y isang panaginip
panaginip lang
pero na-overlook ito ng prinsesa. nagpapatuloy ang kanta sa pagpapakita kung gaano talaga kalayo ang agwat ng dalawa. "o ang sakit isipin ito’y isang panaginip/ panaginip lang…"
pagkatapos nito, at isa pang pag-ulit ng chorus, iniiwan tayo ng kanta na nakabitin. gaya rin sa pasimula, kulang ito sa paglilinaw, at naiiwan sa atin ang maraming tanong. napansin kaya siya ng prinsesa? kung oo, paano naman ang "kayakap" ng prinsesa? at kung hindi, paano naman ang kanyang tapat na pag-ibig?
tapos na ang panahon ng tunay na mga maharlikang prinsesa. tapos na rin ang teeth (well, dahil wala na akong naririnig sa kanila, i assume na ganun nga). pero marami pa rin ang may nakakatulad na kuwento.
tulad ng prinsesa, maraming babae ang hindi masyadong pansinin. marahil ay hindi sila kasing-ganda o kasing-ingay ng iba pang babaeng nakapaligid sa kanila. para silang nakaupo "sa isang madilim na sulok." pero sa ibang paraan, lalabas at lalabas ang kanilang angking kagandahan. hindi ito mananatiling tago para sa mata ng mga lalaking magaling mangilatis.
kung minsan, hindi nahahadlangan ng pagiging-taken ng gayong mga "prinsesa" ang tapat na pag-ibig gayong mga lalake. lalo na kapag hindi naa-appreciate ng "kayakap" ang tunay na halaga ng prinsesa na nasa "madilim na sulok." handa pa rin ang gayong mga lalaki na mag-alay ng "habang buhay" na paglilingkod.
pero kadalasan na, ang gayong mga kuwento, gaya ng kanta, ay: walang resolution; walang definite ending; masaya ang tunog pero hindi ka sigurado sa happy-ever-after na ending.
kaya ang payo ko sa mga lalaking nasa ganung sitwasyon, gumising na. masakit mang isipin,
"ito’y isang panaginip/ panaginip lang…"

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento