Lumaktaw sa pangunahing content

tungkol sa panahon

Ang panahon, o weather, ay isang bagay na hindi madaling mahulaan. Totoo, ang makabagong teknolohiya ay nagdulot ng pagsulong sa computing power kaya mas mabilis nang nakagagawa at nakapagpoproseso ng mga modelo at mga forecast. Pero sa pangkalahatan, ang mga bagay na ito ay nakabatay pa rin sa ilang antas ng probability, at kinakailangan ng real-time at paulit-ulit na pagrepaso sa mga ito upang magkaroon ng mas mahusay na ulat para sa publiko.

Alam ko. Kaugnay ng aking larangan ng pagsasaliksik, complex systems, ang mas naunang chaos theory, na kung saan ang panahon ang pangunahing halimbawa (sa katunayan, ang ideya ng chaos ay "natuklasan" batay sa pag-aaral sa panahon, partikular na kung paano ang maliliit na pagkakaiba sa naunang mga parameter values ay nagdudulot ng malaking mga pagbabago sa mga resulta pagtagal).

Personal kong kakilala ang ilan sa mga miyembro ng grupong nagmamantini ng Project NOAH, na nagbabantay sa panahon sa Pilipinas. Batay sa dami ng panahong ginugugol nila rito, alam kong talagang kinakailangan ang pagsisikap upang maabot ang isang antas ng accuracy pagdating sa kanilang mga prediksiyon.

Lalo pang humihirap ang gawaing ito kapag ang panahon ay "nagpasiyang" maging lalo pang kakaiba. Halimbawa, mga ilang buwan lang ang kaagahan, nakaranas ng isang mahabang taglamig ang Gitnang Europa; aba, nagyeyelo pa noong huling bahagi ng Marso! Tila ayaw talagang magpainit, ngayon naman ay parang isang maagang taglagas naman ang nararanasan namin, anupat kinakailangan naming mag-scarf at mag-jacket nang makapal sa kaagahan ng Hunyo. Ang malamig na panahon ay dumating na kasama ng malalakas na ulan. Umapaw ang mga ilog, at nakita ko sa balita kung paano naapektuhan nito ang Prague at ang Austria. Maging dito sa Dresden, kanselado ang ibang mga serbisyo ng lokal na tren dahil sa antas ng tubig ng Elbe.

Umaasa akong huhusay na ang panahon bukas (sa katunayan, umaraw na ngayon). Pero, gaya ng pinapatunayan ng mga binanggit ko sa itaas, hindi ko pa rin siguro masasabi nang may katiyakan kung gayon nga.





Nabanggit ko na pala ito: ang pangngalang pambalana na "panahon" sa wikang Filipino ay itinutumbas kapuwa sa weather (o climate) at sa time (o sa period of time). Siguro naisip na ng ating mga ninuno ang pagkakatulad ng dalawa. Mailalarawan mo lang ng may-katiyakan ang tungkol dito kapag tapos na ito. ●

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

tungkol sa paglubog ng araw at sa pagpapahalaga sa iba

Ang bawat paglubog ng araw ay naiiba sa iba pa. Siguro, hindi pa naman nagkakaroon ng dalawang sunset na parehong-pareho. Pero ang bawat paglubog ng araw, makatitiyak tayo, ay ubod ng ganda. Gaya ng isang blangkong telang asul na sinabuyan ng iba’t-ibang mga kombinasyon ng pula, dalandan, at dilaw, ang huling mga bakas ng liwanag ng araw ay isang bagay na pwede nating kamanghaan at pagnilay-nilayan, isang obra na nakapaskil sa isang malawak na gallery ng himpapawid.  Pero ang paglubog ng araw ay laging dumarating. Bawat gabi, hindi ito pumapalya. Nag-iiba-iba ang oras kung kailan ito nangyayari, pero sigurado kang darating at darating ito. Dahil sa pagiging maaasahan ng paglubog ng araw, kung minsan ay hindi na ito masyadong nagiging mahalaga sa atin; hindi na natin napapansin ang dulot nitong ganda.  Gaya rin ng isang masarap na ulam na hindi naman nagbabago ang timpla pero nakakasawa rin kapag palaging inihahain. O ng isang awiting napakaganda sana, pero pinat...

tungkol sa romantikong pag-ibig

Ang romantikong pag-ibig ang isa sa pinakamahirap unawaing damdamin ng tao.

tungkol sa tagsibol

Nasa rehiyong tropikal ang Pilipinas; sabihin pa, wala ito ng apat na temperate seasons na nararanasan ng mga rehiyong mas malapit sa mga polo. Nagtataka tuloy ako kung bakit kumpleto ang mga salitang Filipino para sa apat na panahong ito: taglamig, tagsibol, tag-araw, at taglagas. Produkto kaya ito ng maagang interaksiyon natin sa mga Europeo? Marahil; pero ang mas nakapagtataka pa rito, aktuwal na lumikha tayo ng mga katumbas na salita, at hindi na lang humiram mula sa Kastila o Ingles (hindi ba't tunog Pinoy na rin naman ang "primavera" ("spring") at "verano" ("summer"), at madali rin namang hiramin ang "winter" o "fall"?). Para lalo pang ilarawan ang punto: may espisipikong salita tayo para sa apat na ito, pero para sa salitang Ingles na "season" mismo, wala tayong espisipikong salitang maitumbas; ang pinakamalapit nang salin ay ang panglahatang "panahon" na ginagamit din natin para sa maraming ...