Lumaktaw sa pangunahing content

tungkol sa football

Nagsisimula pa lang sumikat (muli?) ang football sa Pilipinas. Sa mga Pinoy, dahil sa impluwensiyang Amerikano, ang larong ito ay tinatawag na soccer, para mapaiba sa (American) football. Itinuturo ito sa mga paaralan, pero dahil sa mas popular na basketball, sa matagal na panahon ay wala man lang sa radar ng karaniwang tao ang football.

Hanggang sa maglaro, at manalo, ang Azkals, ang pambansang koponan, sa Suzuki Cup (nakalimutan ko na ang taon) kung kailan natalo nila ang Vietnam, na siyang kampeon sa Timog Silangang Asya. Mula noon, sabik nang inaabangan ng mga Pilipino ang bawat laban sa football. Nakatulong pa sa euphoria ang pagwawagi ng ikatlong puwesto ng Azkals sa AFC Cup kamakailan. Higit na nakatulong  sa pagpapasikat ng laro ang mala-artistang anyo ng mga manlalaro.



Ang coach ng Azkals ay Aleman, at sa pagkakaalam ko ay suportado mismo ng Alemanya ng mga programang pang-football na isinasagawa sa bansa. Naalala ko ang koneksiyong ito ngayong nag-uumapaw sa Europa ang kabaliwan sa football sa kasagsagan ng European Championships. At lalo na ang Alemanya, na hindi pa natatalo sa tatlo nitong laban: sa Portugal, sa Netherlands, at sa Denmark. Hindi magkandamayaw ang mga tao sa pagsigaw sa bawat goal ni Gomez at paulit-ulit na ibinibida ang pagkapanalo ng Deutschland sa lahat, kahit pa doon sa mga nakapanood!

Sa katunayan, ang Alemanya ang isa sa pinakamalakas na koponan, at apat na taon ang nakaraan, sa nauna ritong European Championships, sila ang nakaabot sa Finals pero natalo sila ng Espanya (na "nahulaan" ng sikat na pusit). Sa isa pang liga (pero ito naman ay sa mga propesyonal na club), natalo rin ang Alemang koponan ng Bayern Munchen ng Chelsea ng UK sa finals mga ilang linggo lang ang kaagahan. Sa mga nagaganap ngayon, mukhang hindi malayong makaabot muli sa Finals ang Alemanya, at tiyak na marami na rito ang nagdarasal na makuha na nila ang tropeo ngayong taon.

Buweno, hindi ako nakapanood ng kahit anong laban, at ang alam ko lang sa torneo ay yaong naririnig ko lang mula sa ka-opisina ko. Pero kahit pa hindi ko marinig, bawat sulok na mahagip ng tingin ay magpapakita kung gaano ka-panatiko ang mga tao rito pagdating sa fußball. Lahat halos ng bahay at kotse ay may iwinawagayway na itim, pula, at dilaw na watawat ng Alemanya. Naalala ko ang katatapos lang na Independence Day sa Pinas; walang-wala! Lahat ng ads at billboards ay may kasamang mukha ng player o bola ng football; ang mga tindahan ay puno ng mga panindang may kinalaman sa football. Azkals fever? Walang-wala.

Bilang isang walang alam at walang masyadong interes na dayuhan, nakatutuwang pagmasdan ang epeko ng football sa mga Aleman. Ibang klase talaga ang kapangyarihan ng sports na magbuklod sa isang bansa. Ang ganitong tanawin ay may dalang kapahingahan sa gitna ng mundong ito na nababalot ng poot at pagkakabaha-bahagi. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

tungkol sa paglubog ng araw at sa pagpapahalaga sa iba

Ang bawat paglubog ng araw ay naiiba sa iba pa. Siguro, hindi pa naman nagkakaroon ng dalawang sunset na parehong-pareho. Pero ang bawat paglubog ng araw, makatitiyak tayo, ay ubod ng ganda. Gaya ng isang blangkong telang asul na sinabuyan ng iba’t-ibang mga kombinasyon ng pula, dalandan, at dilaw, ang huling mga bakas ng liwanag ng araw ay isang bagay na pwede nating kamanghaan at pagnilay-nilayan, isang obra na nakapaskil sa isang malawak na gallery ng himpapawid.  Pero ang paglubog ng araw ay laging dumarating. Bawat gabi, hindi ito pumapalya. Nag-iiba-iba ang oras kung kailan ito nangyayari, pero sigurado kang darating at darating ito. Dahil sa pagiging maaasahan ng paglubog ng araw, kung minsan ay hindi na ito masyadong nagiging mahalaga sa atin; hindi na natin napapansin ang dulot nitong ganda.  Gaya rin ng isang masarap na ulam na hindi naman nagbabago ang timpla pero nakakasawa rin kapag palaging inihahain. O ng isang awiting napakaganda sana, pero pinat...

tungkol sa romantikong pag-ibig

Ang romantikong pag-ibig ang isa sa pinakamahirap unawaing damdamin ng tao.

tungkol sa tagsibol

Nasa rehiyong tropikal ang Pilipinas; sabihin pa, wala ito ng apat na temperate seasons na nararanasan ng mga rehiyong mas malapit sa mga polo. Nagtataka tuloy ako kung bakit kumpleto ang mga salitang Filipino para sa apat na panahong ito: taglamig, tagsibol, tag-araw, at taglagas. Produkto kaya ito ng maagang interaksiyon natin sa mga Europeo? Marahil; pero ang mas nakapagtataka pa rito, aktuwal na lumikha tayo ng mga katumbas na salita, at hindi na lang humiram mula sa Kastila o Ingles (hindi ba't tunog Pinoy na rin naman ang "primavera" ("spring") at "verano" ("summer"), at madali rin namang hiramin ang "winter" o "fall"?). Para lalo pang ilarawan ang punto: may espisipikong salita tayo para sa apat na ito, pero para sa salitang Ingles na "season" mismo, wala tayong espisipikong salitang maitumbas; ang pinakamalapit nang salin ay ang panglahatang "panahon" na ginagamit din natin para sa maraming ...