oras na ng klase. inihuhudyat na ng relo sa kaliwa ang pagpatak ng alas-otso ng umaga. kalahating oras na mula nang umalis si Maan at Carlo sa kuwarto namin. matagal-tagal na rin mula nang lisanin ni Jacq ang kabilang silid at patayin ang ilaw. oras na para maglakad ng milya-milya patungo sa New NIP at pasimulan ang unang klase ko sa buong linggo. pero for some strange reason, hinihila ako ng silya ko at ayaw akong pakawalan. hinihikayat ako ng Gmail na mag-chat kahit pa walang online. ineengganyo ako ng Multiply para mag-blog. hindi naman ako dati ganito. pagpatak pa lang ng alas-singko ng umaga ay handang-handa na ako, excited sa klase, buong linggo. nakikipag-unahan pa ako sa mga lecturers na may 7:30 am class sa pagdating sa NIP. makailang ulit akong naghahanda, nagsasaulo ng linya na parang artistang may shoot, nariyang magpalakad-lakad pa sa loob ng kuwarto. pero iba ngayon. 8:15 am na sa relo, pero nandito pa ako sa aking mesa, kumakain at nagsusulat. maraming (pagda)dah...