Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2006

tungkol sa graduation

nakakasilaw ang entablado. pilit na sumisilip ang papalubog nang araw. para bang ayaw palampasin ang mahalagang pangyayaring ito. tulad ko. napakarami kong plano. para sana sa iyo. pero hindi ko maisakatuparan. tinatanaw kita mula sa malayo. tanaw pa kita, pero malayo ka na. halos hindi ko na mawatasan ang iyong anyo. hindi na malinaw ang iyong dibuho sa gitna ng karamihang ito. hindi ka na lumulutang sa gitna ng karagatang ito ng puting blusa at sablay. waring nalingat lang ako. ang huli ko kasing pagkakaalala ay abot tanaw pa kita. abot kamay pa nga yata. sa bilis ng oras, ang mga sandaling iyon ng pagsasama natin ay isang malayong nagdaan na pala. hindi ako nakapaghanda. lalo ka nang naglaho sa dilim ng gabi. ang mga ilaw ng bulwagang quezon ay hindi naging sapat upang ipaaninag ka. dumagdag pa ang malamig na ihip ng hangin sa drama ng pag-iisa. at hayun, minamasdan kita, palayo nang palayo, paliit ng paliit sa paningin. hanggang sa tuluyan ka na kitang di makita. tu...

tungkol sa “luvlyf” ni Bei - comment

tamang-tama ang subtitle. comment ito dapat. isang maikling comment sa entry na ito ni Bei. eto nga dapat ang isusulat ko eh: "ang luvlyf, parang bonus points sa isang exam. di mo na kelangan kapag perfect ka na. "but then again, who wouldn’t want to be more than perfect?" (1) di mo na kelangan kapag perfect ka na. e pano kung di ka perfect? at take note, maraming tao ang hindi perfect sa kanilang "exam." (2) at kung sakali mang perfect ka na sa "exam," sayang naman kung palalampasin mo ang chance na maging more than perfect.

tungkol sa tamang panahon (para kay stephanie at kay phoebe at sa lahat ng nag-aantay)

lahat ng bagay ay may sarili nitong panahon. hindi ako naniniwala sa tadhana, pero naniniwala akong totoo ang naunang pangungusap na ito. may tamang panahon para sa pagdating ng mga bagay, inaasahan man o hindi. sa tingin ko, subconsciously ay inihahanda pa natin ang sarili natin kaya hindi pa nagaganap ang ilang mga bagay na inaasahan natin. nag-iipon tayo: ng lakas ng loob, ng panahon, ng pera, o ng kung anu-ano pang mga bagay na dapat ipunin. nag-aantay tayo: ng tamang timing, maganda at madaling pagkakataon. ito ang dahilan kung kaya hindi pa naisasakatuparan ang mga balak natin. pero darating ang panahon, hindi na natin makakayanan ang pagdadala sa mga inipon natin; mapupuno na tayo. hindi na natin mahihintay ang mas maganda pang panahon; mamadaliin na tayo ng nalalabing oras. pipilitin tayo ng pagkakataon na ilabas ang mga bagay na itinago natin. sa panahong iyon, gagawa na tayo ng hakbang. unti-unti man o biglaan, maisasagawa na natin ang ating mga plano, ang atin...

tungkol sa kabataan, basketball 2 on 2 partner, at kay Kuwan

meron akong kaibigan nung bata pa ako. Jerome ang pangalan niya. dalawang taon din ang tanda ko kay Jerome. apo siya ng kapitbahay namin, ang matandang babaing tinatawag namin na si Nanay Trudis. nakasama ko sila mula sa gulang na pito (grade 1 ako nun) hanggang mga 14 (third year high school). pagkatapos noon ay hindi ko na nakita pang muli si Jerome at ang pamilya niya; may nakapagsabi na sila’y nasa Las Pinas, pero sa pagkakaalam ko talaga ay nasa Gumaca, Quezon Province sila. matagal man kaming hindi nagkita, maraming alaala ng kabataan ang nananauli sa aking isipan kapag naaalala ko si Jerome. mahilig kami sa basketball (well, sa case ko, noon yun, kasi mas matangkad ako sa kanya at sa mga pinsan ko. ngayon, hindi na.). iginawa pa nga kami ng tatay ko ng isang ring na ipinako sa puno ng guyabano sa likod na bakuran namin. sa mga larong iyon, lagi kaming nagiging magkakampi ni Jerome, dahil sa aming height (na tamang-tama pang 2 on 2). siya ang mas maliit kaya guwardiya siya; ...

tungkol sa basket at pabigat

ito ang analogy na nadevelop ko nang kausap ko si phoebe at si steph kanina. ang puso natin ay maihahalintulad sa isang basket. siyempre, iba’t iba ang laki nito depende sa bawat tao. ang mga taong nakakasalamuha natin sa ating buhay ay naglalagay ng iba’t ibang bagay sa ating "basket." may mga bagay na magaan. may mga bagay na mabigat. depende sa bigat ng isang bagay kung gaano naging kahalaga sa atin ang isang tao. may mga tao na sa simula pa lang ay malaki at mabigat na bagay na ang inilagay sa ating "basket." sila ang mga nagiging silay at crush natin. tawag naman ng iba sa kanila, "love at first sight " daw. pero, sa totoo lang, sila yung mga madaling kalimutan. dahil iisang piraso lamang ang inilagay nila sa ating puso, madali itong ihagis palayo. pero, sa kabaligtaran naman, may mga taong naglalagay ng maliliit at magagaang bagay sa ating "basket." paunti-unti. dahan-dahan, pero patuloy. araw-araw ay dinadagdagan nila ng mal...

tungkol sa mga larawan na pumupuno ngayon sa aking desktop: mga larawan ng masasayang lumipas, mga ikinuwadrong pagkakataon at kahapon, mga mukha ng n

dahan-dahang sumikat ang pebo sa silangan. ang mainit na simoy ng hanging abril ang nagpadilat sa aking mga mata. tirik na ang araw. nagsasabog ito ng gintong liwanag na pumupuno ngayon sa maliit na sala. alas-otso na pala. ilang oras din akong nakatulog sa sofa. sa pagbalikwas ko ay saka naman dumapo ang isang maya sa nakabukas na bintana, itinagilid ang kanyang ulo sa isang anyong nagtataka. hindi ko siya masisisi. maging sino man marahil ay maguguluhan sa aking anyo - pagod, puyat, at para bang napakaraming ginagawa sa panahong lahat na yata ng estudyante’y nagpapahingalay. lalo pa kung iisipin na ako’y nakatakdang magtapos sa susunod na ilang mga araw. nakakapagtaka. nakakatawa pa nga kung iisipin. subalit sa kabila nito’y heto pa rin ako, pinipindot ang buton upang buksan ang computer, muling gagawa, muling magtatrabaho. pero para mapaiba naman, ipinasiya ko munang magmasid sa mga larawan na pumupuno ngayon sa aking desktop. mga larawan ng masasayang lumipas. mga iki...

tungkol sa pag-amin

"akala ko kasi noon crush ko si ____________ kasi andami naming pagkakatulad." hindi ko alam na sa pamamagitan ng mga salitang iyon, na diretsahang binanggit, ay aamin siya. sa pamamagitan ng isang napakasimple subalit napakatotoong salita ay ilalabas niya ang mga saloobing itinago sa loob ng matagal na panahon. "pero wala na. ngayon, wala na." ilang beses niyang inuulit ang mga pananalitang ito habang binabaybay namin palabas ang tahimik na mga hallway ng NIP. pero sa pagkakataong ito, nakadama ako ng kung anong lungkot sa tono ng kanyang boses. may kung anong hinanakit at sakit. na lalong nagpangyaring hindi ko siya paniwalaan. hindi; hindi ko siya pinapaniwalaan. pero hindi ibig sabihin na hindi ko siya naiintindihan. hindi ibig sabihin na hindi ko siya iniintindi. iisa ang pait ng kinimkim na kahapon. iisa ang bigat ng damdaming humulagpos mula sa kaibuturan ng puso. kaya ko siya naiintindihan. kaya ko siya iniintindi. sa lab kanina ay naroon si...

tungkol sa mga dulo, katapusan, huli, at mga katulad nito (para kay george)

nakakapagod mag-stairs. lalo na kapag limang palapag o higit pa ang aakyatin mo. at kung ang pupuntahan mo pa ay isang pormal na pagtitipon, baka mawala na ang lahat ng bakas ng pagiging-presko sa katawan mo kapag nilakad mo ang ilang daang hakbang ng stairway. sa ganitong mga pagkakataon, kumbinyente ang mag-elevator. pagharap mo pa lang sa pinto ng elevator, excited ka na. siyempre, hindi dun sa mismong pagsakay sa elevator (unless, first time mo). excited ka na para dun sa kung anuman ang pupuntahan mo sa ikalimang palapag. kung naka-amerikana ka, malamang na inaayos mo na ang iyong kurbata matapos pindutin ang buton na nakaturo paitaas at naghihintay na bumukas ang pinto sa iyong harapan. pero, siyempre, hindi lang naman ang pupuntahan mo ang nasa ikalimang palapag. meron pang ibang opisina o function hall na naroon. kaya, sa mga sandali na naghihintay ka para makapasok sa elevator, may iba pa na nakaabang din. mga taong tulad mo ay nakapustura. mga taong di mo kilala. sa ...