Na-summarize na ng Eraserheads ang ideya ng usapan namin ni Phoebe nang gabing iyon. "Wag kang matakot na matulog mag-isa…" …kapag nag-oovernight sa Instru. O, sa kaso niya, sa big room ng Photonics (na konektado din sa Instru). Bago kami umuwi ni Phoebe ay kung anu-anong mga ghost stories ang pinag-usapan namin tungkol sa aming magkadikit na lab at sa mga nakakatakot na mga karanasan dito ng ibang mga tao. Ang mga umuugang table at naggagalawang mga upuan. Ang mga bagay na lumulutang at mga babaeng nagpapakita. Dahil sa pagiging semi-haunted ng aming mga lab ay isang achievement talagang maipagmamalaki ang makapag-overnight dito lalo pa kapag nag-iisa. Hindi ko masisisi si Frances. ( See first paragraph of her blog entry ) Buti na lang, nang gabing iyon ay sobrang pagod ako kaya nakatulog ako agad. "Wag kang matakot na umibig at lumuha…" Nang i-compose ni Ely ang kantang ito, bakit kaya "lumuha" ang kasunod ng "umibig"? Dahil ba...