tungkol sa bagoong
uso na naman ang mangga.
hindi, hindi yung hinog (pero, oo, masarap din ito). ang tinutukoy ko ay yung manggang hilaw. indian. namimintog. yung tipong makintab pa ang berdeng balat dahil sa dagta.
mga ilang linggo na sa bahay ang basket ng hilaw na mangga. naghalo na ang mga nanggaling sa palengke at ang mga ibinigay ng kapitbahay mula sa kanilang puno. nahinog na nga ang iba.
kaya naman naisipan kong pumapak ng isa (sana) kahapon.
natakam ako, hindi sa mangga, kundi sa bagoong na alamang na nasa garapong katabi ng basket. ang nagsimula sa pagtikim sa isang ga-kurot na bagoong ay natapos sa paglapang sa isang mangga, dalawa, tatlo...hindi ko na nabilang. nakilantak na rin kasi ang kapatid ko, at ipinagbalat na kami ni mama.
hindi mo pa tapos ang isang hiwa mo na pinaibabawan ng isang sentimetrong kapal na bagoong, naglalaway ka na para sa kasunod.
may problema nga lang.
ang bagoong ay gawa sa alamang. ang alamang ay hipon. at allergic ako sa hipon. iniiwasan ko ang hibi, ang sugpo, at iba pang luto sa hipon. pati na rin ang marami pang ibang lamang-dagat. kung ang bagoong sana ay mula sa tindero sa kanto, na malamang na hindi tunay na hipon; kaso nga lang, ang alamang ay binili sa palengke, at ang bagoong ay inihanda ni mama. hindi naman sana ako dating ganito; pero nang tumuntong ako sa kolehiyo ay bigla ko na lang kinailangan ng anti-histamine tuwing kakain ng lamang dagat. at lalo na ng masarap na alamang.
hayun, mga ilang oras pagkaraan, makating mga braso ang resulta ng pagkatakam sa bagoong (buti nga ay iyon lang).
kamakailan lang ay natapos ko na ang aking huling degree sa unibersidad.
naaalala ko pa ang mensahe ni Sir Johnrob para sa amin na binanggit niya noong piging ng laboratoryo. sinabi niyang ang maturity ay wala sa edad kundi nasa isip. ito ay nagsisimula sa pagtanggap na may mga bagay na hindi na pwedeng gawin. hindi niya pinalawak; pero ilan siguro sa mga tinutukoy niya ay ang hindi na pagkilos na parang bata; hindi na pagsusuot ng kung anong kasuotan na lamang (dapat na sigurong maging disente); at hindi na pag-asa sa iba, sa adviser, para sa direksiyon at mga plano.
kung sabagay, para naman talaga sa bawat bagay na nakakamit, dapat na mayroon ding isakripisyo; wala nang libre ngayon, sabi nga nila.
e bakit ba?
hindi naman siguro sa lahat ng pagkakataon ay dapat kang malimitahan sa loob ng kahon dahil sa mga bagay na hindi mo na pwedeng gawin. optional naman kung minsan ang maturity. may panahon para sa lahat ng bagay, ang sabi nga ng Bibliya, kaya siguro ay mayroon ding panahon para kumawala sa mga bakod na itinakda para sa sarili o ng lipunan. pwede rin sigurong hubarin kung minsan ang maturity.
kung ang bagoong nga, pwede pa ring ilatag, ibalot sa mga hiwa ng manggang hilaw. namnamin. kahit pa may allergy.

Malamang kasama sa pagtanggap ng mga bagay ng hindi na pwedeng gawin ay ang pagtanggap sa mga dapat gawin bilang tao at bilang kaakibat sa bokasyon sa buhay: pagiging ama, pagiging asawa, anak, titser, estudyante, adviser, advisee, atbp.
TumugonBurahinTama, kasama dito ang posibilidad ng paghubad ng "maturity". Lalo na kung ang maturity ay laging nakakulong sa isang kahon ng idinikta ng nagbabagong lipunan. Ang totoong maturity ay ang pagtanggap na may mga ideal na dapat nating gustuhing makamit dahil ito ang magpapalapit sa atin sa Absolute at magbibigay ng totoong kaligayahan bilang Tao. Kahit pa mahirap itong abutin.
Napag-isip ako ng malalim. Sang-ayon ako na ang isang sintimetrong mangga ay nakakapaggising ng kamalayan. Sa nabasa ko sa sulat mo, naglaway ako sa mas maraming mangga.
Ang totoong maturity ay ang pagtanggap na may mga ideal na dapat nating gustuhing makamit dahil ito ang magpapalapit sa atin sa Absolute at magbibigay ng totoong kaligayahan bilang Tao. Kahit pa mahirap itong abutin.
TumugonBurahin-- sang-ayon ako. ito lamang ang paraan para sa tunay at namamalaging kaligayahan. salamat sa pagbisita, Sir. :)