Lumaktaw sa pangunahing content

tungkol sa pasukan at mga phase shift

ang yugto ng kaba na karaniwan nang dumarating sa pagsisimula ng pasukan ay napalitan ngayon ng pagod at pagwawalang-bahala.

bago pa man kasi ang pasukan ay sinaid na ng napakaraming mga responsibilidad ang anumang natitira ko pang lakas at pagkasabik. kung noong undergrad ay pinapangarap at pinapanalangin ko ang pagdating ng pasukan para iahon ako mula sa malalim na hukay ng kawalang ginagawa (at kawalang load at kawalang pera), ngayon ay unti-unti nang nawawalan ng taginting ng pag-asa ang pagsapit ng unang linggo ng hunyo...

...dahil sa pagsapit nito, muli na naman akong maihahanay sa daan-daang libo na nabubuhay bawat saglit ng kanilang buhay para gumawa, magtrabaho, at higit sa lahat ay mabuhay. ang ligaya ng pagtulong sa ibang tao (at lalo pa sa mga bata) na matuto, ang kagalakan ng pagtuklas ay nilulunod ng realidad ng pang-araw-araw na buhay kung saan wala nang libre at wala nang madali. masakit mang isipin, kung minsan ay nangingibabaw na lamang ang layuning kumita ng pera kaya ko ginagawa ang rutin na nakasanayan ko na sa pitong taon ng paglagi sa nip. nasa dulo ng listahan (kung naroon pa man) ang pagtulong sa bansa, ang pagtuklas para sa kapakinabangan ng sangkatauhan, ang paghubog sa susunod na henerasyon...

hindi naman laging ganito. siyempre pa, gaya rin naman sa ibang larangan, ang antas ng interes ay maaaring ilarawan bilang isang sine (o cosine) curve. may peak at may trough. kapag nasa peak ka, gustung-gusto mong gumawa at walang makapipigil sa iyo sa pag-abot sa pinakamararangal na layunin. sabihin pa, kabaligtaran kapag nasa trough ka, at gusto mo na lang na mairaos ang mga bagay-bagay.

ang pagkakaiba ng pasukan ngayon ay na hindi na ako nasa peak sa pagsisimula ng pasukan. di gaya dati na mala-cosine ang itsura ng pagka-bibo ko - mataas sa simula.

ngayon, phase-shifted by pi ang aking temporal profile.

at nadoble pa ang amplitude.

Mga Komento

  1. at least sine function p din.. ako cguro line lng.. wala ng peak.. gsto ko lng lumipas ang araw s trabaho.. walang inaabangan o knkaexcitedan.. haay.. sna mtpos n bond ko, maybe il change career..

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

tungkol sa tagsibol

Nasa rehiyong tropikal ang Pilipinas; sabihin pa, wala ito ng apat na temperate seasons na nararanasan ng mga rehiyong mas malapit sa mga polo. Nagtataka tuloy ako kung bakit kumpleto ang mga salitang Filipino para sa apat na panahong ito: taglamig, tagsibol, tag-araw, at taglagas. Produkto kaya ito ng maagang interaksiyon natin sa mga Europeo? Marahil; pero ang mas nakapagtataka pa rito, aktuwal na lumikha tayo ng mga katumbas na salita, at hindi na lang humiram mula sa Kastila o Ingles (hindi ba't tunog Pinoy na rin naman ang "primavera" ("spring") at "verano" ("summer"), at madali rin namang hiramin ang "winter" o "fall"?). Para lalo pang ilarawan ang punto: may espisipikong salita tayo para sa apat na ito, pero para sa salitang Ingles na "season" mismo, wala tayong espisipikong salitang maitumbas; ang pinakamalapit nang salin ay ang panglahatang "panahon" na ginagamit din natin para sa maraming ...

tungkol sa mga kalayaan at limitasyon sa pamamahayag

Madalas na itinutumbas ang demokrasya sa kalayaan. Iniisip tuloy ng iba na dahil nasa demokrasya tayo, pwede na nating gawin ang lahat ng gusto nating gawin. Pero hindi ganun. Meron pa ring mga limitasyon. Naaalala ko pa ang pagpapaliwanag dito ng guro ko noon sa UP. Ang mga pamahalaan daw ay mga magulang, at tayo ang mga anak na naglalaro sa bakuran. Ang mga gobyernong mahigpit ay gaya ng mga magulang na hindi pumapayag na maglaro ang kanilang mga anak, anupat pinagbabawalan pa man din silang lumabas ng bahay. Ang demokrasya naman ang katumbas ng mga magulang na hinahayaang maglaro ang kanilang mga anak sa malawak na malawak nilang bakuran.  Pero meron pa ring bakod. Meron pa ring mga limitasyon. Bawal pa ring maglaro sa tabi ng kalsada dahil baka masagasaan. Bawal pa ring maglaro ng apoy o ng matatalim na bagay dahil baka masaktan at makasakit. Ang kalayaan ay may kaakibat na tiwala na magiging responsable pa rin ang pagkilos ng mga binibigyan ng kalayaang iyon.

tungkol sa romantikong pag-ibig

Ang romantikong pag-ibig ang isa sa pinakamahirap unawaing damdamin ng tao.