tungkol sa araw ng kalayaan

ngayon talaga ang opisyal na petsa ng kalayaan ng Pilipinas. ang tatay ng kasalukuyang pangulo ang lumagda sa batas na nagtatakda sa ika-12 ng hunyo bilang araw ng kalayaan. ang petsang ipinagdiriwang noon, ika-4 ng hulyo (na kasabay ng sa amerika) ay itinalaga na lamang bilang filipino-american friendship day.

ngayon din (yata) ang unang araw ng pasukan ng ateneo de manila. at paano ko nalaman? sapagkat kaninang tanghali, hindi na gumagalaw ang mga sasakyan sa katipunan. napilitan akong maglakad mula sa kanto ng aurora hanggang sa aking patutunguhan, ang bagong gusali ng nip, sa kanto ng c.p. garcia.

kaya naman ngayon, sa unang pagkakataon ng pagharap ko bilang guro, ay hindi na ako mukhang tao sa harap ng mga estudyante, naliligo sa pawis at hinahabol ang paghinga.

grrr...

Mga Komento

  1. wahh! stress naman iyong nilakad mo? layo! when did you realize that it's hopeless to wait til the traffic gets better? hehe..

    TumugonBurahin
  2. hindi ko cguro mrerealize kung ganu kalayo cnb mo hnggat d mo tinuro s akin. kc d ko alam ung aurora! ahahah

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Kilalang Mga Post