tungkol sa pag-uwi, aggregate quarrying at sa pagkakaibigan
mahirap umuwi sa amin kapag gabi na. tulad ngayon.
nakakatakot ang naglalakihang trak ng graba na humaharabas sa Marcos Highway. mga walang modo. pagkalalaki ay siya pang umo-overtake. makailang ulit na rin akong nakakita ng mga aksidenteng muntik nang matuloy at muntik nang maiwasan.
nang ipagawa ni Marcos ang Marikina-Infanta Road (na mas kilala ngayon bilang Don Mariano Marcos Highway, isinunod sa pangalan ng tatay nya at makailang ulit nang ninais papalitan ng pangalan sa Kamara), literal na hiniwa ang kabundukang Sierra Madre. inilantad nito ang kayarian ng bedrock ng mga nagtataasang natural na "gusaling" iyon. naaalala ko pa noong ikalawang semestre ko sa UP na nagkaroon kami ng tour sa Marikina at Antipolo, kung saan nagtipak pa kami ng rock samples mula sa cross-section ng isang burol at ni-reconstruct ang geologic history (na ang bottomline ay na ang Antipolo, na tanyag ngayon dahil sa mga cliffs overlooking Manila, ay nabuo sa ilalim ng dagat). Further east papuntang Baras at Tanay halos limestone na lahat ng bundok. Pero sa lugar namin na malapit sa Marikina, maraming pillow lava formations.
kaya ang lugar namin ay ideal para sa aggregate quarrying. yun bang pagtitibag ng bato sa bundok para gawing gravel at minsan pa nga ay pati sand. bata pa ako ay napagmamasdan ko na ang mga heavy equipment na gumigiling sa itim na mga quartz na bedrock. immune na ako sa mga pagyanig at mahinang huni ng sumabog na dinamitang pantibag sa mga solidong burol. naalala ko pa minsan nang magkamali ang detonation ng isang site at mahulog sa gitna ng aming hapag habang tanghalian ang isang malaking tipak ng bato (a.k.a. "ulam-na-naging-bato-pa" stone). Binayaran kami ng kompanya (dapat lang!) dahil sa batong iyon (a.k.a. "hulog-ng-langit" stone).
25 years lang ang kontrata ng mga ganung kompanya. noong 1998 ay iniwan nito ang bundok, barren at exhausted. kamakailan lang ay na-renew sila, sa kabilang side naman ng bundok.
and thus (andaming sinabi!), the traffic and accident problems in Marcos Highway at night.
oo, itong mga quarry na ito ang dahilan kung bakit mahirap umuwi sa amin kapag gabi.
marami ang humahanga sa mga bundok. malalaki sila, matitibay at matatatag. so sobrang paghanga ng iba, itinuturing na nilang mga bundok ang kanilang mga sarili. matitigas. matatayog. daig pa ang bedrock sa tigas ng kanilang puso at mas maitim pa sa quartz ang budhi.
pero sa buhay hindi healthy ang manatiling isang bundok. kailangan mo ng mga kaibigan. mga kaibigang pasasabugin ka - sa katatawa - hanggang sa mailuwa mo ang iyong ngala-ngala. mga kaibigang dudurugin ang puso mo dahil sa malulungkot nilang kwento na kung saan nakaka-relate ka. mga kaibigang handang magpasabog ng mga dinamita upang ilantad ang mga pagkakamali mo kahit pa masaktan ka, sa layuning ituwid ka. mga kaibigang huhukayin ang kaloob-looban ng pagkatao mo, ibabalik ka sa pagka-patag kapag masyado nang tumatarik ang byahe ng buhay...
...mga kaibigan na, tulad ng quarry, ay magpapahirap sa iyo na umuwi kapag gabi - hindi dahil gumagawa sila ng traffic, kundi dahil ayaw mo pang umuwi, ayaw mo pa silang hiwalayan...
tulad ng nangyari sa akin kanina.
sa gitna ng traffic ay (wala na akong ibang magawa kaya) nagmuni-muni ako. doon ko napag-isip-isip na napakapalad ko bilang isang "quarry site". mabilis na dumaraang parang slideshow sa isip ko ang larawan nina Tons, Erika, Grace, Sir Chris, at George. ni Pareng Eio. ni Steph. at marami pang iba. bumabalik ang mga hagikhik at tawa, iyak at hagulgol, inis at galit kasama sila.
nagpapasalamat ako dahil ang pagkakaibigan namin,di tulad ng mga kompanya ng aggregate, ay walang termination of contract after 25 years...
umaandar na. sa wakas. nagitgit pala ng trak ang isang kotse.
excited na akong umuwi. "Magsusulat ako," sabi ko sa sarili ko. "Magsusulat ako tungkol sa pag-uwi, aggregate quarrying at sa pagkakaibigan."

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento