tungkol sa mga pagkakamaling hindi dapat pinalalampas

napailing na lang si Papa nang marinig ang kapitbahay namin.

isang batang wala pang sampung taong gulang ang ilang beses nagmura nang malutong na P_T_NG_N_!!! nang pagalitan ito ng kanyang ama, pinigilan ito ng kanyang ina.

"Bata pa kasi. Hindi pa alam ang ginagawa."







pero kailan ba ang tamang panahon para matutunan ang bagay na iyon? hindi ba't sa pagkabata?

sabi nga ng isang matalinong kasabihan: "Train up a child in the way he should go,Even when he is old he will not depart from it." (Proverbs 22:6)
kaya sa pananaw ni Papa, habang maaga ay dapat nang maituwid ang isang pagkakamali. kailangan matutunan ang isang leksiyon, gaano man kahirap, sa unang bagsakan.








sa akin naman, mas lenient nang kaunti.

para sa akin, everybody is entitled to commit a mistake (even a grave one) ONCE. minsan lang dapat pagbigyan at patawarin ang mga bagay na mali. minsan mas malalim na aral ang itinuturo ng pagpapatawad sa unang pagkukulang. magbibigay ito ng daan hindi lamang upang malaman kung ano ang tama kundi upang matiyak na hindi na muling maisasagawa ang mali. sabi nga ng iba, everybody deserves a second chance.








pero a THIRD chance? i don't think so...

Mga Komento

Kilalang Mga Post