tungkol sa deadlines

ang pinakamasamang bagay na sanhi ng pagkakaroon ng deadline ay ang tendensiya na gumawa lamang kapag malapit na ito.






tulad ng 221 problem set, na buong linggo ko nang alam (dapat) at ngayong umaga ko lamang ginawa - ilang oras bago ang deadline. buti na lang at hindi pa pina-submit, hindi ko pa natapos ang isa. nandyan din ang SPP, na ang deadline ay ilang araw (o linggo pa ba?) na lamang bago dumating pero hindi pa nararamdaman (mali, PINAPANSIN) ng karamihan sa amin (buti pa kami nag-o-overnight! haha!).






siguro ang etymology ng "deadline" ay related sa math. dead+line = line na zero slope (?). flat. yan ang plot ng productivity mo vs. time bago dumating ang isang specific date.

geek!







mas maganda siguro kung iisipin mo na sa susunod na minuto na ang deadline ng dapat mong gawin. o kaya naman ay na bawat sandali ng buhay ay isang deadline. tiyak, marami kang maisasakatuparan.

dahil ganyan naman talaga ang buhay. ang bawat araw ay isang posibleng "deadline". kaya habang hindi ka pa DEAD at mukhang LINE na nakahiga sa kabaong, gumawa ka na, lumakad, kumain, maglaro, umibig, lumigaya. Sisirin ang buong lalim ng misteryo ng Kalikasan. Umakyat sa tugatog ng tagumpay.






tama na ang drama. balik sa pagsulat ng papel.

Mga Komento

Kilalang Mga Post