tungkol sa pagyayabang
kasi naman, wag nang ipagsabi kapag hindi naman tinatanong.
paghambingin ang dalawang nagkaroon ng bahagi sa parangal ng College of Science sa mga nagsipagtapos ngayong taon.
ang Direktor ng Institute of Biology (ewan ko kung direktor nga ba siya) ang unang tinawag upang ipakilala ang mga nagsipagtapos mula sa kanilang mga akademikong programa. nagpasimula siya sa pagbanggit ng bilang ng nagsipagtapos na summa at magna at cum laude sa Biology. nang hindi naman tinatanong at hindi naman kailangan (at kasama) sa programa.
duh. kaya nga may printed program, 'di ba? para ipaalam kung ilan ang mga may natatanging parangal mula sa mga estudyante. marunong kaming magbilang. at as if naman ay isang dahilan para ipagkapuri ang bilang ng kanilang mga may-award. ilan kaya sa mga ito ang mananatili para mag-enroll para sa kanilang mga programang gradwado (by the way, ilan nga ba ang nagtapos mula sa kanilang graduate program?)? kung meron mang matutuwa, siguro ay ang Kolehiyo ng Medisina, sapagkat binigyan na naman sila ng bagong set ng mga magagaling na graduates.
siguro kung ako si Dr. Salvador at ako ang magpapahayag ng mga magsisipagtapos sa Physics, RATIO ng summa cum laude over graduating batch ang babanggitin ko. tingnan ko kung makapalag pa siya.
...on second thought, hindi na lang pala. hindi ako bababa sa kaniyang lebel...
samantala, ang tumanggap ng pinakamataas na karangalan sa mga estudyante, hindi lang sa kolehiyo kundi sa unibersidad ay nagsalita sa isang napakapayak at mapagpakumbabang tono. sa kanyang speech, sa halip na banggitin ang sarili niyang mga nagawa, pinatayo pa niya at kinilala ang pananaliksik ng isa niyang batchmate.
by the way, siya ang pinakabata sa lahat ng mga nagsipagtapos sa UP (and by that, I mean LAHAT). and by the way, Physics ang course niya (mwahahahaha!!!)...
saan ba nakukuha ang kapakumbabaan? siguro, ang humility ay parang brain cells. unti-unti itong nauubos habang tumatanda ang mga tao (compare Matthew 18:2-4). malas lang ni Ginoong Direktor. na-highlight ng pagkanaroroon ni Binibining Summa ang malalang kawalan niya nito.
ayan na naman. tumataas ang presyon ko. kasi, uli uli, wag nang ipagsabi kapag hindi naman tinatanong.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento