tungkol sa bakasyon ngayong disyembre

pinapawi ng disyembre ang init ng panahon. daig pa ng hangin sa labas ang supercool settings ng aircon sa 3234.

subalit higit sa lahat ng inaabangan (ko) kapag disyembre ay ang pagpawi nito sa init (ng ulo) at tensyong dala ng trabaho. ang bakasyon ay isang pagkakataon upang magbulay-bulay tungkol sa natatagong kapayapaan ng tila-magulong buhay.

at magpasalamat sa mga pagpapalang tinanggap.

Mga Komento

Kilalang Mga Post