tungkol sa anak na di anak, asawang di asawa, at mga manugang

may nanliligaw sa "anak" ko sa org, at marami siyang tanong. marami kasi siyang gustong sabihin pero hindi masabi. isa lang ang sinabi ko sa kanya nung itanong nya kung ano ang gagawin sa ganitong sitwasyon:

"kung ayaw mo, SABIHIN mo. kung gusto mo, IPARAMDAM mo."

yan kasi ang hirap sa pag-ibig. walang step by step procedure (mabuti pa ang magturo ng physics lab), at hindi naman pwedeng i-trial-and-error dahil damdamin ang nakataya. laging case-to-case basis, walang generalization na pwedeng gawin.

isa pang dahilan kung bakit napakaikli ng sagot ko ay ito: ako mismo ay hindi expert pagdating diyan. ayokong magaya siya sa amin ng "nanay" niya.

unti-unti kong namamalayan na nagiging "tatay" na talaga ako sa kanya. gaya ng mga tunay na tatay na nagtatrabaho buong maghapon at pagod pag-uwi, nabawasan, kung hindi man lubusang nawala, ang panahong ginugugol ko kasama ang "anak" ko. buti na lang at meron siyang "asawa", si "manugang" number 1 na nagkukuwento kung paano na ang nagaganap sa buhay niya (in fairness, close ang "magbiyenan"). at inaalagaan naman siya ni "manugang" number 2, na nanliligaw sa kanya.
hahaha.

sana anak, hindi ka magkaroon ng broken family.

Mga Komento

Kilalang Mga Post