tungkol sa ako, ikaw at siya (pahabol)

http://rcbatac.blogspot.com/2006/05/tungkol-sa-ako-ikaw-at-siya.html

Abalang-abala ako ngayon sa pag-intindi sa mga estudyante ko. Kung paano sila matututo (at papasa).

Ikaw yata, nasa kung saan. Hindi ko alam. Basta sa isip ko napi-picture kita na may desk sa isang opisina, papasok ng alas-otso at lalabas nang alas-singko. Sa katapusan ng buwan, susuweldo.

Siya,nandito pa rin. Nagkakasabay kami sa paglalakad minsan papunta sa Vinzons o Katipunan. Di pa siya guma-graduate. Pero malapit na yata.





Ganyan talaga. Minsan hindi natin makukuha ang mga bagay na gusto natin.

(Teka, sino ba ang sinasabihan ko nito: ako, ikaw, o siya?)

Mga Komento

Kilalang Mga Post