Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

tungkol sa TV Patrol

Matanda lang ako ng kaunti sa kaniya. Ikadalawampu't limang taon na pala ng TV Patrol, ang kinagisnan ko nang tagapaghatid-balita sa lokal na wika sa telebisyon. Marami nang nagbago: sa dami at pagkakakilanlan ng mga tagapagbalita, sa oras at tagal ng programa, sa teknolohiyang sangkot. Marami nang humahamon sa pamamayagpag nito, mga programang di hamak na mas huling nagsisulpot at may mga tagapagbalitang may istilong bombastiko. Pero hanggang ngayon, ang TV Patrol pa rin ang kumukumpleto sa mga gabi ng maraming Pilipino, anupat parang may kulang kapag hindi mula rito nila nakuha ang balita.

tungkol sa paglalakad ng mga papeles sa mga opisina ng gobyerno

Kailangan ng pera, panahon, at lakas (pati na lakas ng loob) para maglakad ng papeles sa Pilipinas. Dahil ito sa pagsasama-sama ng maraming iba't-ibang salik. Una na rito ang dami ng tao, lalo na sa Maynila at mga kalapit na lugar. Nariyan din ang kakulangan ng pondo ng mga ahensiya para pasulungin ang kalidad ng kanilang serbisyo. Madalas, sangkot din dito ang pag-uugali ng ibang mga tauhan ng mga opisina; bagamat hindi naman lahat, ang iba sa mga ito ay umaasta na para bang utang na loob mo pa sa kanila na gawin nila ang kanilang trabaho. May mga nanghihingi rin ng lagay at pampadulas kung minsan. Literal akong naglakad; nilista ko para di ako mawala. Ito ang unang pumasok sa isip ko nang sabihin ni Sabine (ang mabait na secretary ng aming Institute) na pupunta ako sa mga opisina ng gobyerno. Aba, nagbababala rin ang librong ibinigay niya: asahan na daw na ang mga Aleman ay mahilig sa burukrasya. Dahil sa mga karanasan ko sa Pilipinas, talagang kinabahan ako sa paglalakad...

tungkol sa buhay na mag-isa

Sa ibang kultura, pagtuntong ng isang tao sa isang edad kung kailan maituturing na siyang adulto, kailangan na niyang bumukod sa kaniyang mga magulang at magsimulang magsarili. Sa mga pelikula at sitcom ay katawa-tawa ang paglalarawan sa mga taong hindi gayon ang ginagawa. Ang pamumuhay mag-isa ay ipinagdiriwang, at iniuugnay sa pagpapasiya para sa sarili. Pero sa mga Pinoy, at marahil ay sa maraming iba pang bansang Asyano, baliktad ang kalakaran. Ang mahigpit na buklod ng mga pamilya ay hindi nawawala kahit pa maging adulto ang mga anak, at kahit pa nga magkaroon na sila ng sariling pamilya. Di iilan ang mga kaibigan kong nakatira sa mga compound nina Lolo at Lola, kapitbahay sina Tito at Tita at mga pinsan. Sabihin pa, sa ating kamalayan, ang pagsasarili ay isang bagay na seryosong pag-iisipan; kahit pa mapahiwalay sa pisikal, mas malamang na naroon pa rin ang kaugnayan sa pamilyang iiwan sa ibang aspekto.

tungkol sa Dresden

Sa Hongkong, habang hinihintay ang flight papunta sa Frankfurt. Disyembre 2011 Una akong nakarating sa Dresden noong Disyembre 2011. Halos kalahating taon na noon mula nang makuha ko ang aking Doktorado sa Unibersidad ng Pilipinas. Nagtatrabaho ako bilang Assistant Professor of Physics sa National Institute of Physics ng UP, kung saan din ako nagtapos. Isang kalakaran para sa mga bagong PhD na mag-apply para sa postdoctoral position sa ibang institusyon (kadalasan na ay sa ibang bansa) upang mapalawak ang mga kaalaman, at makakuha ng bagong mga larangan ng pananaliksik na dadalhin nila pabalik sa Pilipinas. Sa puntong ito, naghanap din ako. Lalo pa't ito lang ang paraan para makapanatili ako sa trabaho ko bilang guro. Sa tulong ng aking adviser, si Dr. Christopher Monterola, kinausap namin ang Head ng isang research group sa Max Planck Institute for the Physics of Complex Systems. Si Prof. Holger Kantz ay mula sa Nonlinear Time Series Analysis Group; isang kilalang siyenti...

tungkol sa mga bagay na pinanghahawakan

nilalakad ko ang titulo ng lupa na nabili ko, at kung saan-saan na ako ipinadpad nito sa Makati. sadyang napakalaki nga siguro ng kawanihan, kung kaya't kinailangan kong magpalipat-lipat sa iba't ibang gusali. isa pang bagay na napansin ko ay ang karagdagang pag-iingat na ginagawa nila sa pagsasaliksik may kinalaman sa mga dokumento. ang inaakala kong isang maliit na papel na pipirmahan lamang ng isang ginoo o binibini ay sa katunayan isang kalahati o buong oras na paghihintay. wari bang bawat linya ay hinihimay, sinusuri. kung sabagay, hindi naman sila masisisi. ang titulo ay siyang magpapatunay ng pag-aari ng isang sukat ng mundo. *****

tungkol sa tahimik na mga Sabado ng pagtambay sa walang taong coffee shop

hindi makapagpasiya ang ulan kung babagsak o hindi. hindi tulad namin ni Steph. nakailang kilometro na yata ang nilakbay ng tricycle para lang marating ang aming destinasyon. isang kapihan sa kaloob-looban ng isang village sa Las Pinas. na para bang walang coffee shop sa Cubao, o sa Megamall, o sa Mall of Asia. nang makarating na kami, malugod kaming sinalubong ng mga tauhan na sabik sa pagdating ng mga parokyano. kami lang pala ang tao. at doon, kasabay ng paghigop ng mainit na kape, Internet, pagbutingting sa iPod ni Steph, at walang katapusang pagkuha ng mga larawan sa Photo Booth, pinagsaluhan namin ang isang tahimik na Sabado na malayo sa sibilisasyon, pinapangarap na marami pa sanang gayong mga Sabado ang dumating. ika-57 buwan namin. nakakasabik ang bawat buwan na kami. :)

tungkol sa mga sabadong walang trabaho

alas-dose na yata ako nagising. pero hindi pa ako bumangon. may kung anong napakalakas na pang-akit na magnetismo kapuwa ng kama sa likod ko at ng mata ko sa kaniyang talukap. hindi ako makabangon at hindi ako makadilat. nang sa wakas ay makayanan ko nang iangat ang katawan mula sa pagkakalugmok, inabutan kong bukas ang TV sa isang eksena sa Eat Bulaga. umulit-ulit sa tuloy sa ulo ko ang sikat na pantapos na linya ng Spoliarium ng Eraserheads: umiyak ang umaga...ano'ng sinulat ni Enteng at Joey d'yan...sa pintong salamin... kumain at nagbukas ng computer, pero sa pag-idlip, este, mahimbing na tulog muli ang bagsak. o kung ang bawat araw lamang sana ay isang Sabadong walang pasok...