Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2023

tungkol sa mga tagpo habang nakaangkas sa motorsiklo

Malayo ang Maynila, at matrapik ang paglalakbay. Ang dalawang oras na paggapang ng kotse kong manual transmission ay para bang katumbas ng sampung taon. Paglabas ko sa kotse, para bang kailangan ko ng tungkod, mababali ang likod.  Kaya sinunod ko ang payo ng bayaw ko at nagpahatid (madalas ay sa kaniya rin) sa pamamagitan ng motorsiklo.  Ang pag-angkas sa motorsiklo ay may kamahalan kumpara sa normal na serbisyo ng transportasyon, pero di hamak na mas mura kumpara sa pagpapahatid sa kotse (na, maisingit ko lang, isang monopolyo). Pero mabilis ito, dahil sa pagsingit-singit sa maliliit na espasyo sa pagitan ng mga sasakyan. Nakakapanibago sa simula ang paghawak at pagbalanse, pero makakasanayan din naman pagtagal. Hantad ka sa mga elemento kapag sumasakay ka sa motorsiklo, pero buong-buo naman, lagpas 180- degree view  ang mga tanawin.  Siyempre, nakakabahala rin ang mga posibleng aksidente. Pero dahil ito na rin ang ikinabubuhay nila, alam na rin naman ito ng mga dra...

tungkol sa mga pasyalang malapit lang

Matagal-tagal na rin kami sa lugar namin, kaya naging pangkaraniwan na lang ang mga tanawin.  Ang tahimik na mga gabi na malayo sa ingay ng sibilisasyon? Isa ito sa mga nakaakit sa amin sa pagtira sa bundok. Pero ngayon, hindi na namin ito nabibigyang-pansin man lang. Kami pa nga minsan ang bumabasag nito sa tulong ng Youtube Music at ng Netflix. Kung hindi pa kami i- chat ni Mama (na nasa katabing bahay), hindi pa namin malalaman na naririnig na ng buong barangay ang pinapanood namin sa telebisyon.  Ang mapunong mga tanawin, na may dalang sariwang simoy ng hangin? Muli, pangkaraniwan. Ang totoo, mas nagugulantang pa nga kami at hindi nagsasawang pagmasdan ang maitim na kaulapan ng smog  ng Maynila, na kitang-kita mula sa aming bintana.  Iyon pa nga pala: Ang mga tanawin ng lunsod , ang mga naglalakihang gusali na gumuguhit ng liku-likong abot-tanaw? Nakikita namin ito, pero hindi naman masyadong pinapahalagahan. Wala na ang unang pagkamangha na tinaglay namin nang ...

tungkol sa pamamasyal sa bundok at sa dagat

Buong buhay ko, halos nasa kabundukan lang ako nakatira. Mula sa Antipolo, at ngayon ay San Mateo, ang bahay ko ay laging mas mataas kaysa sa kapantayan ng dagat.  Ang totoo, ang mga lugar na tinirhan ko ay bahagi ng iisang kabundukan ng Sierra Madre. Gaya ng isang malaking dingding, wari bang hinahati nito ang hilagang bahagi ng isla ng Luzon sa silangan at kanluran.  Pero maparaan ang tao, at gagawan niya ng paraan ang anumang balakid na iniharap sa kaniya. Kaya maging ang masukal na mga kagubatan at mataas na lokasyon ng Sierra Madre ay hindi nakahadlang para makagawa ang mga inhinyero ng isang kalsadang tatagos sa mga bundok at magdurugtong pa rin sa kaliwa at sa kanan, ang kanluraning punong lunsod ng Kamaynilaan at ang silanganing mga baybayin ng Pasipiko. Isa sa mga ito ay ang sikat na daang kilala sa maraming pangalan: ang Marcos Highway (na kapangalan ng daang paakyat sa Baguio), o ang MARILAQUE (Marikina, Laguna, Quezon), o ang Marikina-Infanta Road (pinakadeskriptib...