Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2021

tungkol sa sikat ng araw sa mga dahon

Mag-uumaga na; tamang-tama lang ang pagdating namin sa Sunken Garden, na nabalitaan naming bukas na para sa mga mananakbo at mga gustong mag-ehersisyo. Hindi naman kami tatakbo; maglalakad-lakad lang, para matagtag ang katawan nang kaunti. Ang totoo, mas inaabangan pa nga namin ang pagkain sa Rodics pagkatapos ng makailang pag-iikut-ikot.  Pero ang oras ng pagdating namin ay natapat naman sa pasimula ng pagsikat ng araw. Sa aming paglalakad, unti-unti nang lumiliwanag ang paligid mula sa mga butil ng gintong araw na tumatagos mula sa mga dahon. Hindi na lang tuloy paglalakad (at almusal) ang ginawa namin. Gamit ang mga cellphone camera (tig-dalawa kaming mag-asawa, at magkakaibang mga modelo at may-gawa pa), kumuha kami ng mga litrato ng mga kapaligiran, iniiwasan ang pailan-ilang mga mananakbo at mga pamilyang nahahagip ng frame.  Ang pagbubukang-liwayway sa Sunken Garden.   Ang tila isang dambuhalang alon ng liwanag ay binabasag ng mga dahon at sanga ng mayayabong na pu...

tungkol sa Closing Time

Kung babalikan ko ang grad school, ang isang salita na unang papasok sa isip ko ay videoke . Halata naman siguro; ilang beses na rin naman itong nabanggit sa blog na ito (at may entry pa akong tungkol lang dito). Siguro, dahil sa hirap ng sitwasyon, ito ang naging paraan ng malikhaing paglalabas ng niloloob para sa amin ng mga kasamahan ko.  At kung videoke lang din naman ang pag-uusapan, isang kanta na laging bumabalik sa isipan ang Closing Time ng bandang Semisonic. Ang awiting ito ay laging inilalagay sa machine kapag ilang minuto na lang at kailangan nang umalis. Tamang-tama kasi ang pamagat at ang nilalaman nito: tungkol ito sa isang tao (o grupo ng mga tao) na tila ba pinapaalis na ng tauhan ng isang papasara nang establisyamento.  Pero kamakailan (oo, dalawampu't tatlong taon matapos lumabas ang kanta at sampung taon pagkatapos ng artikulo — ganyan ako kahuli), nalaman kong ang kanta pala ay tungkol sa pagsilang, tungkol sa pagiging ama ng sumulat nito .  Madala...

tungkol sa palaruan sa kabilang ibayo ng ilog

  Sa maalamat na Republika ng Kabataan, nagtipun-tipon ang mga halal na kinatawan ng sangkabataan, mula sa Punong Ministro hanggang sa kaniyang gabinete at mga miyembro ng batasan. Napapaharap sila sa isang malaking pagpapasiya, isa na nasa kaibuturan ng interes ng bawat bata sa bansa.  Matagal naman na ang problema, pero ngayon pa lang nagkakaugong para mabigyan ito ng pagkilos. Ang siste, wala man lang palaruan sa buong republika. Wala! Sa nag-iisa pa namang bansa ng mga bata! Ang mga mamamayan ay nagkasiya na sa pagpaparoo't-parito sa mga kaparangan, pag-akyat sa mga puno sa kagubatan, o ang pagpapagulung-gulong sa mga parke. Pero isang palaruan? Wala, wala ni isa man.  Kaya nagpulong ngayon ang lahat ng mga opisyal para tuluyan nang sagutin ang hiling na ito ng bawat isa nilang nasasakupan. Nabuo na ang plano, sa totoo lang; sa pagtantiya nila, ito na marahil ang magiging pinakamalawak na palaruan sa buong mundo. Lamang ay walang mapagtayuan kung saan ito magkakasiya....

tungkol sa pagbuo ng mga bagay-bagay

 Mag-lolo nga talaga sila.  Sa loob ng bahay, abalang-abala ang apo sa paggawa ng palaruan para sa kaniyang mga laruan. Ito ang ideya niya ng slide , gamit ang magnetic tiles na binili ng Mommy niya.  Samantala, sa labas, ang lolo niya ay abalang-abala sa pagliliha sa kabinet na ilalagay namin sa kusina. Tumitigil siya kapag madilim na sa labas, saka winawalisan ang sahig sa labas at pinupunasan ang mga tabla.  May kakaibang saya talaga kapag nakakabuo ka ng mga bagay-bagay. Noong bata pa ako, naaalala kong bumibili si Mama ng mga tiles na katulad ng ginagamit ni Stacie ngayon (pero hindi nga lang  magnetic  kundi may pangkabit na mga plastik na edges ) mula sa Tupperware. Bumubuo kami ni Yeye ng mga laruan, at madalas akong gumagawa ng mga de-gulong na trak. Dahil nabanggit ang trak -- mahilig din akong bumuo ng mga landscape art (sa pananaw ko bilang bata), mga binuo mula sa mga bato at putik at madalas na may nakatanim ding mga halaman.  Pero noo...

tungkol sa pagmamaneho para bumili ng pagkain nang gabing-gabi

  Paisa-isa nang nagsasara ang mga pamilihan at restawran. Makikita mo ang mga huling empleyado na ikinakandado ang panlabas na halang. Ang iba ay hinihintay ng kanilang sundo, ng kanilang asawa, na nakaparada ang motorsiklo sa gilid ng kalsada.  Pero hindi pa naman talaga malalim ang gabi. Kung tutuusin, ang mga establisamiyentong ito ay bukas hanggang madaling-araw, ang iba'y hanggang magdamag pa nga. Kaya ano ang alas-diyes kung ihahambing sa dating oras ng pagsasara na iyon? Kung ang pagbabatayan ay ang mga kalagayan noon, tila ba maaga pa ang alas-diyes o alas-onse pa nga.  Pero hindi na parehas ang mga kalagayan noon at ngayon. Ngayon, ang banta ng epidemyang mabilis na kumalat ay nagpabago, nagtiwarik, wika nga, sa tibok ng pulso ng matandang Maynila. Ang dating di natutulog na lunsod ay napilitang huminto, magpahinga, at magtago. Ang di magkamayaw na buhos ng mga tao, sasakyan, at serbisyo, gaya ng mga selula ng dugo na noon ay mabilis na pumapaikot, ay bumag...

tungkol sa mga tagpo mula sa kabundukan

Ngayon ko lang napagtanto na halos buong buhay ko pala ay nakatira ako sa kabundukan. Lumaki ako sa mabundok na Antipolo, na kilalang puntahan ng mga turista para sa “overlooking”, ang magandang tanawin ng mga gusali ng Metro Manila (medyo malayo kami at mas mababa ang lokasyon sa dakong ito, pero nasa kabundukan pa rin kami at may gayong mga tanawin pa rin sa ilang bahagi ng paglalakbay patungo sa lugar namin). Pumapasok ako noon sa mga paaralan sa Marikina, ang lambak na nasa katabing bayan, kaya naging pangkaraniwan na ang paakyat na mga kalsada at bangin pauwi sakay ng jeep. At hindi na naging kamangha-mangha sa paningin ang matatayog na gusali, na mailaw sa gabi.  Ang mga gusali ng Maynila mula sa kabundukan ng Antipolo. Noong pansamantala akong tumira sa Dresden, saka ko hinanap ang mga magagandang tanawin mula sa itaas ng mga kabundukan. Hindi miminsang nilalakbay ko ang mga kabundukan ng Elbe Sandstone Mountains patungo sa Bastei, isang sinaunang bastion  sa itaas ng m...