Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2015

tungkol sa natatanging ganda ng lunsod

Upang makapagpahinga at makaiwas sa traffic ang buntis kong asawa, ipinasiya naming manuluyan sa isang hotel sa araw ng Lunes, ika-28 ng Disyembre, para hindi na kami bibiyahe mula sa mga kabundukan ng San Mateo pababa sa Bonifacio Global City sa dalawang huling araw ng trabaho. Tumuloy kami mga ilang bloke lang mula sa gusali ng kanilang opisina.  Kaninang umaga, matapos ang almusal, inihatid ko na si Steph sa trabaho. Ang ilang blokeng lakarin ay tumagal rin dahil, habang bitbit ang camera sa isang kamay, humihintu-hinto kami sa pana-panahon para kunan ng larawan ang magagandang eksena sa gitna ng kalunsuran. 

tungkol sa paglubog ng araw at sa pagpapahalaga sa iba

Ang bawat paglubog ng araw ay naiiba sa iba pa. Siguro, hindi pa naman nagkakaroon ng dalawang sunset na parehong-pareho. Pero ang bawat paglubog ng araw, makatitiyak tayo, ay ubod ng ganda. Gaya ng isang blangkong telang asul na sinabuyan ng iba’t-ibang mga kombinasyon ng pula, dalandan, at dilaw, ang huling mga bakas ng liwanag ng araw ay isang bagay na pwede nating kamanghaan at pagnilay-nilayan, isang obra na nakapaskil sa isang malawak na gallery ng himpapawid.  Pero ang paglubog ng araw ay laging dumarating. Bawat gabi, hindi ito pumapalya. Nag-iiba-iba ang oras kung kailan ito nangyayari, pero sigurado kang darating at darating ito. Dahil sa pagiging maaasahan ng paglubog ng araw, kung minsan ay hindi na ito masyadong nagiging mahalaga sa atin; hindi na natin napapansin ang dulot nitong ganda.  Gaya rin ng isang masarap na ulam na hindi naman nagbabago ang timpla pero nakakasawa rin kapag palaging inihahain. O ng isang awiting napakaganda sana, pero pinat...

tungkol sa galing

Kapag pinag-uusapan ang salitang galing , madalas na ang unang pumapasok sa isip ng isa ay ang mga kaugnay na salitang tulad ng talino, kakayahan, kalakasan, o kakayahan. Ang isang taong magaling  ay maabilidad, may kakayahan at kaunawaan para harapin at solusyunan ang anumang hamon na mapaharap sa kaniya.  Sabihin pa, dahil dito, talagang isang kanais-nais na katangian ang pagiging magaling. Ito ay isang bagay na inaasam-asam ng mga tao mula pa lang sa pasimula ng kanilang kamalayan. Ang bawat hakbang ng isang maliit na bata, literal man o makasagisag, ay hinahangaan ng kanilang mga magulang at ng iba pa, habang sinasabing: “Ang galing galing naman ng baby!” Sa pagdating ng panahon, ang galing ay nasusukat hindi na lamang sa mga papuri ng mga nakamamasid, kundi sa katumbas na halaga nito, materyal man o hindi: isang medalya o ribbon, isang pagkilala o parangal.  Magkagayunman, kung minsan ay nagiging labis ang pagpapahalaga sa galing, anupat nagdudulot ito ...