Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2013

tungkol sa pera, kaligayahan, correlation, at causation

Ang pera ay isang mahalagang imbensiyon ng lipunan. Ang papel ng salapi sa ekonomiya ay katumbas ng papel ng mga unit at physical quantities sa physics. Sa pamamagitan ng napagkasunduang mga unit para sa iba't-ibang physical phenomena, nagiging quantity  ang mga quality : nabibigyan ng panukat ang mga bagay na bago noo'y nailalarawan lamang. Ang dating malayo o malapit ay nagiging 10 kilometro; ang dating mabigat o magaan ay nagiging 50 kilogramo; ang dating matagal o mabilis ay nagiging 30 minuto. At sa physics, mas madaling pag-usapan at ilarawan ang mga bagay-bagay kapag ang mga ito'y de-numero na.

tungkol sa magkaibang mundo

Nitong nagdaang mga buwan, ang lahat ng mga babae sa pamilya ko - asawa, nanay, mga kapatid, maging ang maliit kong pamangkin na kakatuto pa lang magsulat ng pangalan - ay nahumaling sa isang sikat na telenobela, na kung saan ang isang mahirap pero pursigidong babae ang nagsilbing yaya sa batang anak ng isang guwapong biyudo. Gaya ng inaasahan, may pag-iibigang nabuo sa pagitan ng yaya at ng biyudo sa kabila ng mga hadlang (hindi ko na idedetalye, kunwari ay hindi ko alam). Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang istorya, at, kung sakaling natuloy ang pagsasapelikula nito, tiyak na susubaybayan pa rin ito ng pamilya ko at ng publiko. Kunwari hindi ko ito alam. Larawan mula rito .

tungkol sa mga eroplano, paglipad, at mga paliparan

Noong bata ako, ang pagbiyahe sa himpapawid ay hindi pa kasing pangkaraniwan gaya ng sa ngayon, kaya may dalang misteryo at pagkamangha ang mga eroplano at ang paglipad. Halos araw-araw, sa gitna ng paglalaro, hihinto kaming magkakaibigan upang tumingala sa isang dumaraang eroplano (kung minsan pa nga ay waring sobrang baba, dahil siguro sa taas namin sa Antipolo) at kakaway, magba-'babay'. Nabawasan ang misteryo nang makakita ng totoong mga eroplano na nakaparada sa paliparan, habang naghahatid ng mga mangingibang-bansang mga kaibigan at kamag-anak. Naging totoo at hindi na malayo ang karanasan nang ang mismong kapatid ang kinailangang lumipad. Bandang huli, dahil sa trabaho at mga bakasyon, nakasakay na rin ako ng eroplano, at tuwang tuwa habang tumatanaw sa direksiyong kabaligtaran ng sinisipat ko noong aking kabataan. Ang maulap na kalawakan sa ibabaw ng gitnang Asya. Kuha noong unang pagbisita ko sa Europa.