Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2013

tungkol sa mga lumang gusali at bagong kamera

Nitong nakaraang dulong sanlinggo, nagpasiya akong gawin ang isang bagay na matagal ko nang hindi nagagawa: ang maglakad-lakad nang walang destinasyon, walang tiyak na patutunguhan, habang nagmamasid sa makasaysayang mga bahagi ng lunsod. Ang Semper Opera sa Theaterplatz

tungkol sa pagtawag sa pamilya

Matagal na rin akong hindi nakakapangumusta sa pamilya ko sa Pilipinas. Siyempre pa, nakakausap ko naman araw-araw (halos) si Steph. Pero ang mga magulang at kapatid ko ay lagi ring wala sa bahay, at kung nasa bahay man ay mabagal ang koneksiyon sa Internet. Bukod pa diyan, dahil sa DST, may eksaktong anim na oras na pagitan ang aming mga orasan: tulog pa ako sa tanghalian nila, nasa trabaho ako sa hapon at gabi nila, at makakauwi ako ng bahay nang madaling-araw nila. Pero nitong isang Sabado kamakailan, naabutan ko ang ate ko, at sumunod ang walang patumanggang pakikipagkulitan sa mga pamangkin.

tungkol sa pag-akyat sa Bastei at pagkawala ng camera

Nitong nakaraang dulong sanlinggo, binista ako ni Grace at tinungo namin ang mga kagubatan ng Elbe Sandstone Mountains. Matagal ko na rin kasing gustong puntahan ang sikat na lumang tulay dito, ang Bastei Brücke. Ang Bastei Brücke. Larawang kuha ni Andreas Steinhoff. Mula sa Wikipedia .

tungkol sa pagbuo ng cabinet

Hindi ko alam kung sapat nang kuwalipikasyon na anak ako ng isang manggagawa ng cabinet. Pero ang totoo, hindi naman iyon mahalaga. Madali lang namang sundan ang instruksiyon ng Ikea. At wala namang choice si Grace; ako lang naman ang pinakamalapit na kaibigang lalake, na pwede niyang hingan ng tulong. Kaya hayun, magkasama naming binuo ang kaniyang bagong puting cabinet.