Bihira ang mga pagkakataong nakatanggap ako ng postcard; karamihan pa sa mga ito ay hindi talaga para sa akin, kundi para sa buong pamilya. Kung tama ang pagkakaalala ko, si Kuya Toto, ang pinsan kong tripulante noon sa isang cruise ship , ay nagpadala ng mga postcard sa amin noong maliit na bata pa lang ako. Nang makapag-asawa si Diche at manirahan sa Europa, nakatanggap kami ng mga postcard mula sa Iceland, England, at kung saan-saan pang mga lugar kapag nagbabakasyon sila. Bago kami maghiwa-hiwalay para sa postdoc , nagpadala nagbigay (hindi na dumaan sa koreo ang mga ito kundi binitbit na niya pauwi) rin si Ekkay ng mga postcard mula sa mga paglilibot niya sa Cambodia at Vietnam. Oo, literal na mabibilang sa daliri ang mga pagkakataong tumanggap ako ng postcard. Larawan: D. Berthold. Postcard mula rito .