tungkol sa pagkamiss sa Jollibee
Noong bata pa ako, ang bawat selebrasyon ay may kaakibat na pagbisita sa mga fast food para sa burger, fries, spaghetti, o ice cream. Noon, pinakasikat pa rin ang McDonalds, kasi, siyempre, bilang mga Pinoy, mas sikat pa rin sa atin ang produktong mula sa ibang bansa. Malapit sa aming eskuwelahan, meron ding Cindy's (na wala na yata ngayon), na pinupuntahan dahil sa palaruang pambata. May Wendy's na rin, at Kentucky Fried Chicken (oo, ginagamit pa nila noon ang buong pangalan at hindi lang ang acronym).
Pero iba pa rin ang Jollibee.
Hindi ko alam kung ano, pero kapag bata ang tinanong mo, Jollibee ang una niyang isasagot na gusto niyang puntahan. Iyon kaya ang kakaibang paggulong nito sa dila, na mas madali at masarap sabihin kaysa sa tunog-mekanikal na pangalan ng mga kakompitensiya niya? O baka ang mga awitin at TV commercials, na kasama pa si Aga Muhlach at Donna Cruz? Mas cute ba ang mascot na pulang bubuyog kaysa sa payaso? Anuman ang mga ito, bilang mga bata, Jollibee ang request namin kina Papa at Mama pagkatapos ng recognition program o party.
*****
Noong panahong iyon, ang pagbisita sa Jollibee ay madalang at, gaya ng sinabi ko kanina, ay kadalasan nang nauugnay sa isang espesyal na okasyon.
Kaya napakaespesyal ng tingin ko noon sa Jollibee. Ito ang may pinakamasarap na pagkain sa lahat. Lalo na ang Chickenjoy, at ang malutong nitong balat kasama ng kaning may gravy.
*****
Dumating ang panahon na ang Jollibee na ang nanguna sa kompetisyon. Nagtagumpay ito sa hamon ng iba pang mga kainan na sunud-sunod na nagsulputan.
Nag-diversify pa nga ang kompanyang nagmamay-ari rito at nagkaroon ng iba pang mga uri ng mga restaurant para sa ibang market: Chinese food sa pamamagitan ng Chowking; Italian food at pizza sa Greenwich; maging French breakfasts sa French Baker.
Samantala, ang pangunahin nitong produkto, ang Jollibee, ay nagkaroon ng presensiya sa ilang mga bansa sa Asya at Amerika.
Kaya napakaespesyal ng tingin ko noon sa Jollibee. Ito ang may pinakamasarap na pagkain sa lahat. Lalo na ang Chickenjoy, at ang malutong nitong balat kasama ng kaning may gravy.
*****
Dumating ang panahon na ang Jollibee na ang nanguna sa kompetisyon. Nagtagumpay ito sa hamon ng iba pang mga kainan na sunud-sunod na nagsulputan.
Nag-diversify pa nga ang kompanyang nagmamay-ari rito at nagkaroon ng iba pang mga uri ng mga restaurant para sa ibang market: Chinese food sa pamamagitan ng Chowking; Italian food at pizza sa Greenwich; maging French breakfasts sa French Baker.
Samantala, ang pangunahin nitong produkto, ang Jollibee, ay nagkaroon ng presensiya sa ilang mga bansa sa Asya at Amerika.
*****
Naabutan ko ang mga pagbabagong ito noong nasa kolehiyo ako. Sabihin pa, dahil sa kompetisyon, nanatiling mababa ang presyo ng regular na mga pagkain sa Jollibee. Kaya naman, ang Jollibee ang naging pangkaraniwang puntahan para makatipid.
Nawala na ang hiwaga ng burger at Chickenjoy dahil naging pangkaraniwan na lang ang mga ito. Hindi na siya naiugnay sa mga espesyal na okasyon; pwede na siyang maging pang-araw-araw.
Samantala, ang mga bagong nagsulputang mga pagpipilian ang siyang tumangay sa hiwaga at pagka-espesyal.
*****
Dumating ang panahon na lumaki pa lalo ang agwat ng Jollibee bilang negosyo laban sa mga kakompitensiya nito.
Naging pangkaraniwan na rin ang mga branches sa ibang bansa. Na-feature pa nga sa isang sikat na food show ang Jollibee sa Amerika at ang mga pagkain nito.
Umabot na nga sa punto na ang kompanya ng Jollibee na ngayon ang bumibili sa mga (papaluging) mga restaurant chains sa ibang bansa.
*****
Nasa postdoc ako noon sa malamig na Dresden sa Alemanya. Sa isang pagkakataon, sa pagbukas ng Facebook, nakita ko ang paskil ng isang pamilya ng kaibigan na nagsasalu-salo sa isang bucket ng Chickenjoy.
Siguro ay dala na rin ng gutom at/o pangungulila, biglang bumalik sa isip ko ang naging-pangkaraniwan-na noong mga pagkain sa Jollibee. Biglang-bigla, ang Yum Burger at ang sauce nito ay naging nakapaglalaway. Biglang-bigla, ang Chickenjoy at ang gravy nito ay naging nakakaiyak dahil sa pagkamiss.
Umabot pa nga sa punto na, isang hapon, nagtungo ako sa kaisa-isa noong KFC sa Dresden para lang makakain ng chicken at gravy sa fastfood, para maalala ko man lang sa panlasa ko ang mga pagkain sa Jollibee. Akalain mo ba namang noong araw na iyon mismo siya nagsara. Nadepress talaga yata ako, at bumisita kay Grace sa Berlin para sa KFC at kwentong Jollibee.
*****
Ngayon, pinapangatawanan na ng Jollibee ang pagiging sulit nito. Kitang-kita ito sa mga commercial. Hindi na basta pambata, kundi para sa isang pangkaraniwang empleyado na gustong makatipid.
At dapat naman. Ang istratehiya niyang ito ang nagpanatili sa kaniyang matatag kahit pa sa gitna ng magulo at mabuway na mundo ng negosyo.
Ngayong nagsasaliksik na ako sa econophysics, ang stock prices time series ng Jolibee Foods Corporation (JFC) ay lagi naming napagtutuunan ng pantanging pansin, dahil patuloy ito sa pag-akyat.
*****
Nasa Pilipinas na akong muli, at ang Jollibee ay muli na namang naging pangkaraniwan at available.
Pero hindi ko na ito ipinagwawalang-bahala. Ang pangkaraniwan at mura ay mayroon pa rin namang sarap at pang-akit, isa na mamimiss ko kapag matagal ko ring hindi natikman.
Isa pa, naipasa ko na ang pananabik sa susunod na henerasyon.
Sana, tulad ko, bandang huli ay mapagtanto niya na hindi lahat ng bagay na pangkaraniwan at laging nariyan ay hindi mahalaga. Sana ay maging pasiya niya na pahalagahan na agad ang Jollibee, mamiss man niya ito o hindi. ■
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento