tungkol sa abot-tanaw
Marami ang nangangarap ng isang bakasyon na kung saan, habang nakaupo sa dalampasigan, nakatanaw sila sa tuwid na abot-tanaw (horizon) kung saan nagtatagpo ang magkaibang bughaw ng langit at ng dagat. Ito ang sukdulang paglalarawan ng pagrerelaks, ng pagpapahinga, ng pagtakas mula sa mga pang-araw-araw na kaabalahan ng buhay.
Kasi, marami ang araw-araw na humaharap sa isang bali-balikong abot-tanaw, kung saan ang matataas na salamin at kongkreto ay tumutusok sa langit.
Pero kung nasaan man tayo: sa isang malaparaisong isla o sa gitna ng kagubatan ng lunsod, lagi nating tandaan kung ano ang pinakamahalaga. Hanggat may lupang tuntungan ang ating mga paa. Hanggat may langit na lumulukob sa ating mga ulo. Hanggat may kakayahan tayong malasin at pahalagahan ang natatanaw natin sa malayo.
Okay tayo.
Doon pa lang, marami na tayong dapat ikatuwa at ipagpasalamat. ■
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento