tungkol sa tahimik na mga Sabado ng pagtambay sa walang taong coffee shop
hindi makapagpasiya ang ulan kung babagsak o hindi.
hindi tulad namin ni Steph. nakailang kilometro na yata ang nilakbay ng tricycle para lang marating ang aming destinasyon. isang kapihan sa kaloob-looban ng isang village sa Las Pinas. na para bang walang coffee shop sa Cubao, o sa Megamall, o sa Mall of Asia.
nang makarating na kami, malugod kaming sinalubong ng mga tauhan na sabik sa pagdating ng mga parokyano. kami lang pala ang tao.
at doon, kasabay ng paghigop ng mainit na kape, Internet, pagbutingting sa iPod ni Steph, at walang katapusang pagkuha ng mga larawan sa Photo Booth, pinagsaluhan namin ang isang tahimik na Sabado na malayo sa sibilisasyon, pinapangarap na marami pa sanang gayong mga Sabado ang dumating.
ika-57 buwan namin. nakakasabik ang bawat buwan na kami. :)
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento