tungkol sa isang dekada sa UP naming mahal
sampung taon na ang nakakaraan, wala pa ang Katipunan Station in LRT2; isa pa lang itong malaking hukay na sanhi ng trapik sa abalang intersection ng Katipunan at Aurora.
eksaktong sampung taon nga iyon. kasama si Reichell at Princess, sumakay ako ng jeep sa K-Mart (ang bakanteng lote ngayon sa tabi ng UCPB) para tumungo sa UP. magpapa-medical exam kami sa Infirmary (ngayo'y UP Health Service). bagamat nakatuntong na sa malaking campus na ito sa Diliman mga ilang buwan ang kaagahan para sa mga kompetisyon at sa UPCAT, ang biyaheng iyon ang una ko (namin) bilang mga estudyante ng Pamantasan. kahit pa hindi pa kami enrolled noon.
si Prins at si Chelli ngayon, hindi ko na alam kung nasaan, pero sigurado akong gumawa na sila ng pangalan sa kani-kanilang larangan. isang abandonadong lugar na ngayon ang K-Mart, naunahan pa ng katapat niyang lote na tinatayuan ng Blue Residences. at hindi na ako nakakadaan sa Infirmary.
marami talagang pagbabago ang ginagawa ng sampung taon.
ibang-iba pa rin ang UP noon. two-way pa ang Academic Oval, kaya iikot ang Katipunan jeep bago kami dumating sa Infirmary. madami pang tindera noon sa paligid ng Oval. hindi pa maayos ang sidewalk nito. hindi pa nare-renovate and Carillon. sa iba pang bahagi ng campus, hindi pa nasusunog ang Narra at Chem. wala pa rin ang National Science Complex. ang bulwagan ng NIP ay nasa papel pa lamang.
ngayon, sampung taon na ang nakakaraan, wala na ang dating bulwagan ng NIP, lahat ay nasa bagong building na. matatapos na rin ang bagong building ng Chem at iba pang Institute ng Kolehiyo ng Agham. aba, may TechnoHub na nga ngayon sa hilaga ng Campus! one-way na ang Oval at ang Circle, at kaunti na ang tindera. pakabila na ang ikot ng Katipunan, pero madalas ay hindi na ako pumapasok dahil sa C.P. Garcia pa lang ay pwede ko nang lakarin ang NIP.
lumalabas, hindi naman pala ang pisikal na istraktura ng isang lugar niyang kinalalagyan ang magsasabi kung may narating na ang isang tao.
sampung taon na pala ang nakakaraan mula nang magsimula akong magplano at mangarap. ang sabi ko pa nga, sa buong buhay ko sa UP, sisiguraduhin kong: (1) hindi ako sasali sa frat/org; (2) hindi ako kakain sa CASAA; (3) hindi ako kakain sa Chocolate Kiss; (4) hindi ako pupunta sa Fair. ilan lang iyan sa marami pang bagay na ipinasiya kong gawin pero hindi natupad (ni isa). akala ko ito ang paraan para mapaiba.
hayun, (1) sumali ako sa UPPA noong ikalawang taon ko pa lang; (2) nakailang-daang ulit akong kumain sa CASAA sa buong buhay UP ko, at ngayon ay dinadayo ko pa ito kapag nami-miss ko; (3) tambayan naming magkakaibigan ang Chocolate Kiss; at (4) napilit na rin ako ni Steph na pumunta sa isang Fair.
lumalabas, hindi naman pala ang mga bagay na hindi mo gagawin ang magpapaiba sa iyo.
sampung taon na ako sa UP, at sa loob ng dekadang iyon ay paikot-ikot lang ako sa malawak nitong kampus. kahit pa malawak ang kampus na ito, sa totoo, wala akong ibang lugar na (literal na) napuntahan. pero kahit pa kakaunti ang aktuwal na distansyang inihakbang ko sa loob ng sampung taong iyon, ang mahalaga'y kung saan ko inilakad ang aking mga paa. sa UP.
anuman ang sabihin ng iba, pagdating sa edukasyon, isa pa rin sa mga pinakanangunguna ang pamantasan kong mahal.
sa dami ng mga panata kong di ko gagawin sa pamamalagi ko sa UP, wala nang natira; sa haba ba naman ng panahon ay siguradong darating at darating ang punto na susuwayin ko anumang Sampung Utos ang itakda ko sa sarili.
pero ngayon, ipagdiriwang ko, hindi ang mga bagay na iniwasang gawin, kundi ang mga bagay na sinuong, ginawa, at ginalugad. mga bakod na nilakdawan. mga pader na giniba. ang sampung taon ng pananatili ko sa UP ay patotoo ng pagkamit ko sa mga bagay na hindi ko inaasahang maaabot man lang.
malaon pa ang itatagal ng UP, sigurado ako. naglalakbay pa nga lang ito sa kanyang ikalawang sentenaryo.
hindi na siguro malaon ang itatagal ko sa UP.
hindi naman magbabago ang pagmamahal ko rito kahit pa nasaan ako.
salamat sa sampung taong siksik ng alaala, UP kong (naming) mahal. :)

siyempre special mention ang pamimilit ko sayo sa fair.. hehe.. kakamiss nga ang UP..
TumugonBurahin