tungkol sa panalo ng ginebra

ang naabutan kong ginebra (gordon's pa yata sila noon) ay ang champion team na binubuo nina bal david, marlou aquino, noli locsin, atbp. coach pa noon si living legend sonny jaworski. medyo boxing-ball (sa halip na basketball) pa rin ang labanan, pero hindi na masyadong matindi gaya noong kasikatan ni jawo.

ilang ulit din kaming binabadtrip ni papa sa mga do-or-die games. kapag lamang ang kalaban at ilang segundo na lang, pinapatay namin ang tv, para marinig, matapos ang ilang segundo, ang sigawan ng mga kapitbahay. hayun, slow-mo na lang ng mga half-court shots na pumasok mula kay the flash ang naabutan namin.

muli akong naakit sa koponan nang taglayin nila ang pangalang "barangay", at iparada nila ang mga bagong mukha na sina eric menk, jayjay helterbrand, at mark caguioa. napamahal din sa akin si coach siot tangquincen na nagpa-back-to-back champions sa kanila. pero agad itong naputol; kasagsagan noon ng kolehiyo; at mahina ang signal ng channel 13.

eto ngayon, adik na naman ako sa pba, at siyempre pa, sa barangay ako pumupusta (figuratively).

masakit sa loob na makita ang ginebra na nasa 0-5 sa ilalim ng standings sa pasimula ng fiesta conference. naaalala ko ang mga heartbreaks noong bata pa ako, noong nasa ilalim pa talaga sila at hindi makagulapay. sa komperensiya nga lang na ito, hindi mo aakalain na mahuhulog ang koponan sa dulo ng listahan dahil, sa papel, punung-puno ito ng magagaling na player. pumasok na sina reavis, hatfield (na umalis din), tubid, ang legendary na si johnny abarrientos (injured nga lang), artadi, at, kamakailan lang, si valenzuela, sa lineup nila na tinatawag ng mga scribes na "star-studded". pero ganun talaga. naaalala ko noon na natutulog ako na mabigat ang dibdib dahil natalo na naman ang ginebra sa isang dikitang labanan sa isang team na hindi ko naman itinuturing na threat.

pero iba na ngayon ang istorya.

mula sa ilalim, tinapos nito ang eliminations na nasa ikatlong puwesto. nanalo na ang ginebra sa huli nitong 12 laban, ang huling anim nito ay mga paglampaso sa sta. lucia (2-0 sa quarterfinals) at red bull (4-0 sa semifinals). 1992 pa huling nakamasid ang mga manonood ng pba ng isang paglampaso sa isang 7-game semis, panahon pa ni tony harris sa swift.

hayun, naghihintay na lang ang ginebra sa tuktok kung sino sa magnolia (ang kanyang kapatid) o air21 ang makakasagupa niya sa finals.

sabi ni papa, "ginebra ngayon ang nagbayad."

ewan. himala man o salapi ang nagdala sa koponan ko sa tugatog na tinatamasa nito ngayon, inspirasyon pa rin ang pagwawagi nito, isang kuwentong uulit-ulitin sa susunod na mga henerasyon ng pba. may malalim na aral sa buhay ang 0-5 to 16-8 na W-L card ng barangay. gaano man ka-cliche, pero gulong talaga ang buhay. binibigyan ka ng pagkakataong bumangon at lumaban ng bawat pag-ikot ng mundo.

(of course, sasabihin ni papa na "money makes the world go round." pero wag nang sirain ang moment of glory kong ito.)

Mga Komento

  1. so lalaki k nga at favorite mo tlg ang PBA. kaya lng...

    "napamahal din sa akin si coach siot tangquincen na nagpa-back-to-back champions sa kanila. pero agad itong naputol"

    haha! it sounds so gay! joke :P

    TumugonBurahin
  2. wahaha! di naman ganun ka-bading yan! ibang context! hahaha!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Kilalang Mga Post