Lumaktaw sa pangunahing content

tungkol sa Magic 12

habang abalang-abala ang lahat sa pag-aabang sa magiging resulta ng Senatorial elections, ako naman ay nagtatanung-tanong tungkol sa kalalabasan ng pag-a-apply for teaching positions dito sa NIP. tinanong ko na si Ate Lina sa Director's Office kung meron siyang scoop, wala naman. hindi naman nagbibigay ng komento si Sir Perry, taga-recommend lang umano sila. si Sir Chris naman hindi rin nagsasalita.

sina Mikki, George, at Christian pa lang ang alam kong hindi na pinag-demo, mga may laude kasi.






pano ba naman. pagdating ng susunod na taon, kami na lang ni Ate Jaki ang maiiwan sa 3234. aalis sina Maan, Kiko, Carlo, Rafi at si Imee rin yata. hindi naman pinayagan sina Ekkay, Tons at Grace na lumipat dito. haay...sino kaya ang magiging bago naming room mates? siyempre, kailangan na mag-adjust sa pagdating nila.






sana ang eleksiyon sa Pilipinas katulad ng pagpili ng NIP sa mga tatanggaping guro. talino ang batayan, at malinis ang proseso.

or...baka naman magkatulad na sila ngayon pa lang...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

tungkol sa tagsibol

Nasa rehiyong tropikal ang Pilipinas; sabihin pa, wala ito ng apat na temperate seasons na nararanasan ng mga rehiyong mas malapit sa mga polo. Nagtataka tuloy ako kung bakit kumpleto ang mga salitang Filipino para sa apat na panahong ito: taglamig, tagsibol, tag-araw, at taglagas. Produkto kaya ito ng maagang interaksiyon natin sa mga Europeo? Marahil; pero ang mas nakapagtataka pa rito, aktuwal na lumikha tayo ng mga katumbas na salita, at hindi na lang humiram mula sa Kastila o Ingles (hindi ba't tunog Pinoy na rin naman ang "primavera" ("spring") at "verano" ("summer"), at madali rin namang hiramin ang "winter" o "fall"?). Para lalo pang ilarawan ang punto: may espisipikong salita tayo para sa apat na ito, pero para sa salitang Ingles na "season" mismo, wala tayong espisipikong salitang maitumbas; ang pinakamalapit nang salin ay ang panglahatang "panahon" na ginagamit din natin para sa maraming ...

tungkol sa mga kalayaan at limitasyon sa pamamahayag

Madalas na itinutumbas ang demokrasya sa kalayaan. Iniisip tuloy ng iba na dahil nasa demokrasya tayo, pwede na nating gawin ang lahat ng gusto nating gawin. Pero hindi ganun. Meron pa ring mga limitasyon. Naaalala ko pa ang pagpapaliwanag dito ng guro ko noon sa UP. Ang mga pamahalaan daw ay mga magulang, at tayo ang mga anak na naglalaro sa bakuran. Ang mga gobyernong mahigpit ay gaya ng mga magulang na hindi pumapayag na maglaro ang kanilang mga anak, anupat pinagbabawalan pa man din silang lumabas ng bahay. Ang demokrasya naman ang katumbas ng mga magulang na hinahayaang maglaro ang kanilang mga anak sa malawak na malawak nilang bakuran.  Pero meron pa ring bakod. Meron pa ring mga limitasyon. Bawal pa ring maglaro sa tabi ng kalsada dahil baka masagasaan. Bawal pa ring maglaro ng apoy o ng matatalim na bagay dahil baka masaktan at makasakit. Ang kalayaan ay may kaakibat na tiwala na magiging responsable pa rin ang pagkilos ng mga binibigyan ng kalayaang iyon.

tungkol sa romantikong pag-ibig

Ang romantikong pag-ibig ang isa sa pinakamahirap unawaing damdamin ng tao.