tungkol sa libro at post-it

sabi nga ni grace, ang love story mo daw ay isang libro. isang bukas na libro na ang mga pahina ay nababasa ng lahat.

sa maiksing usapan namin, para bang pinapalabas nya na isa akong section o chapter sa librong iyon.
pero hindi. isa akong side note. isang comment na isinulat sa post it (tulad ng madalas mong ginagawa) at idinikit sa gilid.

malamang nga, sa ngayon, wala na ako sa pagkakadikit na iyon.

keri lang. keber. dalawa lang ‘yan e: makidikit sa bagong libro o magsulat ng sarili.

Mga Komento

Kilalang Mga Post