Ang mga lunsod sa karamihan sa mga papaunlad na bansa sa mundo ay patuloy na nagiging sentro ng pag-unlad. Nagkakaroon ng mas maraming oportunidad sa mga ito, kaya nagiging dahilan naman ito ng pandarayuhan ng mga tao para mapalapit sa mga oportunidad na iyon. Kaya habang ang mga probinsiya at kabukiran ay naiiwanan, nagsisiksikan naman sa mga siyudad ang karamihan. Gayung-gayon ang matagal nang nangyayari sa Kamaynilaan. Ang napakaliit (kung ihahambing sa iba pang kapitolyo) na isthmus na ito ay nagiging tahanan para sa tinatayang 13 milyong tao, bukod pa sa mga limang milyon pa (kasama na ako) na naglalakbay papunta rito mula sa kalapit na mga probinsiya para pumasok araw-araw. Kaya naman sa patuloy na pagdami ng tao, mga ilang dekada nang namamayagpag ang industriya ng pagtatayo ng mga malalaki at matataas na mga gusali, mga condo at mga mixed-used na mga establisyamento, maging mga township pa nga. Ang dating malawak na mga kaparangan at kagubatan...