Kamakailan, may mga aktibidad sa loob ng subdivision. Ang homeowners association ay biglang naging aktibo sa pagpapatupad ng mga tuntunin sa mga kabahayan. Sabihin pa, kinailangan nila ng opisina para maging sentro ng gawain. Nagkataon namang hindi pa natitirhan ang mga bahay na naitayo sa tapat namin. Instant office! At para maging maalwan ang kanilang parking, hinawan nila ang espasyo sa aming pagitan. Ang casualty ? Ang mga puno ng avocado at bayabas, hitik pa naman sa bulaklak ngayong magtatag-araw. Mga labindalawang taon na ang mga punong iyon, itinanim ni Papa sa noo’y mga putikan sa harap ng bahay. Nakailang siklo na rin ito ng pamumulaklak at pamumunga. Paborito ni Stacie ang matamis na hinog na bayabas, na ipinakikipag-agawan ng Lolo niya sa mga ibon na busug na busog din sa mga ito. Paborito naman ni Steph ang mga avocado, na bagamat nananatiling berde kahit hinog ay malinamnam pa rin at matamis ang laman. Pero noong nakaraang linggo? Pinutol ang mga iyon, wa...