Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2020

tungkol sa di pa naitutuloy na konstruksiyon

Para maiba naman, sinubukan naming lumabas ng bahay patungo sa mga itinatayong bloke ng mga bahay sa tapat namin. Hindi naman kasi gayon ka istrikto, basta nasa loob lang ng subdibisyon namin. Ang totoo, mga parang at damuhan ang nasa harapan namin kung saan itinatayo ang mga bagong bahay, at wala naman talaga kaming makakahalubilong mga tao.  Lalo pa’t mahigit isang buwan na mula ngayon nang tumigil ang mga nagtatrabaho sa konstruksiyon. Kitang-kita ang mga bakas na iniwan nila ang kawalang-kasiguraduhan ng kanilang pag-alis. Nariyan ang mga scaffolding  na hindi man lamang naisalansan. Mga hinukay na pundasyon, na unti-unti nang muling natatabunan ng nagdaang mga pag-ulan. May naiwan pa ngang bareta at martilyong walang hawakan, maliban pa sa nagkalat na mga alambre at pinutol na mga bakal.  ***** Gaya ng marami, ang mga trabahador na ito ay hindi rin naging handa sa biglaang pagdedeklara ng quarantine  sa buong pulo. Marami sa mga nagtrabaho rito ...

tungkol sa katahimikang dala ng kuwarantenas

Lalo pang naging kakila-kilabot ang madilim na mga kalyeng paliku-liko sa mga kakahuyan na bumabagtas sa mga kabundukang pauwi sa amin. Nakadagdag sa lagim ang nakabibinging katahimikan. Ni walang kaluskos ng tsinelas o arangkada ng makina na pumapailanlang; aba, kahit ang mga balang at kuliglig ay walang huni! Gaya ng mga eksena sa mga thriller  na pelikula, wari bang anumang sandali ay may hahablot sa iyo patungo sa kapahamakan. Naihatid ko na ang ilang pangangailangan ng kapatid ko. Walang checkpoint  ng militar o barangay sa mga kalsada sa pagitan ng mga bahay namin, kaya malaya akong nakalabas kahit tapos na ang curfew . Naka-kuwaratenas ngayon ang lahat, pinuwersa ng pamahalaan na manatili sa mga bahay para hindi mahawa at makahawa ng sakit na Covid-19. Kaya naman anumang bakas ng mga tao at transaksiyon ay matagal nang napawi; hayun, ako at ang kotse ko ang tanging naiwan sa kanto. Siyempre pa, hindi naman talaga mapapawi ang ingay at gulo; kadikit na yata ito n...

tungkol sa pagbibiyahe sa Maynila

Ang Maynila ang pinakamatandang lungsod sa kabisera. Kaya napakaliit na ng pagkakataon para paluwagin ang mga lansangan o baguhin ang mga bloke nito. Dumating na ito sa punto na hindi na nito masasabayan kailanman ang paglago ng bilang ng mga sasakyan sa pagdaan ng panahon. At ito rin ang nasa pinaka-kanluran. Na pinakamalayo sa isang taong tulad ko na nakatira sa silangan (kakatuwa, ang mismong pangalan ng aming barangay ay: Silangan). Ano, at saan? Lakad? Pribadong sasakyan? Tren? Motor o van?  Ang totoo, walang iisang solusyon sa napakasalimuot na problema ng transportasyon sa Maynila. Kadalasan nang nasusumpungan ng mga namamahala ang kanilang sarili na pinaghuhugpung-hugpong ang maliliit na mga pamamaraan, umaasang magdudulot ng pangmalakihang kaginhawahan. Pero madalas na hindi rin naman nagtatagal ang mga bunga nito, kung mayroon man. Kaya gayon din ang istorya ng pagbibiyahe ko patungong Maynila araw-araw. Nariyang pagsama-samahin ang magkakaibang mga pamamar...