Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2019

tungkol sa mga panaginip ng anak ko

Tumagi-tagilid siya at tumiwarik. Pero hindi pa siya dumidilat. Ayaw pa niyang gumising.  Madaling-araw na rin kasi bago matulog itong bulinggit ko. Madalas na dahil sa paghihintay sa akin, kaya silang dalawa ng Mommy niya ay nagsasakripisyong manatiling gising kahit alas-onse na ng gabi. Pero sa bata, hindi naman talaga ito sakripisyo; kapag mas late  matulog, mas matagal pa siyang maglalaro! Aabutan ko na lang siya na “pinapakain” at “pinapatulog” ang kaniyang mga manika.  Pero kapag malikot na siya sa umaga, alam mo na. Nag-aagaw na ang diwa niyang gusto nang bumangon at ang katawan niyang ayaw pa. Diyan siya pinakamalikot.  Pero ngayon, hindi lang ang katawan niya ang malikot. Pati pala ang isipan. Nakapikit pa siya nang bumulalas: “Nasira siya!” At dahil halos gising na rin ang diwa ko noon, tinanong ko siya. “Ano yung nasira?” “Si Spiderman,” tugon niya, ngayon ay nanlalaki na ang mga mata sa pagkasabik. “Nasira si Spider...

tungkol sa walang-lamang mga pasilyo

Nag-aagaw na ang liwanag at dilim, pero nandito pa rin siya. Hindi na niya napapansin ang mga bugso ng mga nagsisilabas na mga estudyante at guro dahil sa pag-aalala sa susunod pang gawain. Hindi pa tapos ang araw niya. May naghihintay pa sa kaniya hanggang gabi. Nagkataon namang sa gusaling La Salle nakadestino ang kaniyang mga babantayang mga pagsusulit. Ang bulwagang ito ang pinakamatanda sa kampus, na binuo bago pa ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Bagamat may mga makabagong mga pasilidad at kagamitan (gaya ng mga projector at dala-dalawang aircon units sa bawat kuwarto), makikita mong matanda na talaga ang gusali, lalo pa’t maging ang panlabas na mga dibuho nito ay hango sa neo-klasikal na mga arkitektural na disenyo. Lalo pang nahahalata ang katandaan ngayong takipsilim at halos wala nang tao. Itong mga ganitong eksena ang kadalasan nang nakikita sa mga pelikulang horror o thriller. Nabanggit kanina ang digmaan: bahagi ng kasaysayan ng gusaling ito ang marahas na pagpaslang...

tungkol sa Maynila

Ang matandang kabiserang lunsod, waring gaya rin ng isang tao, ay naghihingalo sa mga sakit na dulot ng katandaan at matagal na kapabayaan.  Pero may ganda ang Maynila, isang kariktang hindi maikakaila. Gaya rin sa isang matandang babae, na sa kabila ng mga kulubot ay mababakas pa rin ang kagandahang namalas noong kaniyang kabataan. Sa bahaging ito ng Asya nagsanib ang mga impluwensiyang kultural mula sa mga Kastila, Amerikano, Tsino, Pilipino, at iba pa. Bagamat natabunan na ng mga istrakturang moderno, o kaya nama'y impormal, mababakas ang angking karilagan ng Maynila kapag sinisid ang pusod ng kagubatan ng siyudad. Noong kaniyang kabataan, tiyak na maihahanay ang lunsod ng Maynila sa baybayin ng Pasig sa iba pang mga dakilang lunsod sa tabi ng kani-kanilang mga ilog. Ano ang nangyari? Kapabayaan. Sanay na yata tayo na mapag-iwanan ng pamana, pero hindi ito maingatan. Samantala, sa nakalipas na mga buwan, may bagong sigla na biglang naramdaman sa lunsod, isang puwe...

tungkol sa pagkamiss sa Jollibee

Noong bata pa ako, ang bawat selebrasyon ay may kaakibat na pagbisita sa mga fast food para sa burger, fries, spaghetti, o ice cream. Noon, pinakasikat pa rin ang McDonalds, kasi, siyempre, bilang mga Pinoy, mas sikat pa rin sa atin ang produktong mula sa ibang bansa. Malapit sa aming eskuwelahan, meron ding Cindy's (na wala na yata ngayon), na pinupuntahan dahil sa palaruang pambata. May Wendy's na rin, at Kentucky Fried Chicken (oo, ginagamit pa nila noon ang buong pangalan at hindi lang ang acronym).  Pero iba pa rin ang Jollibee.  Hindi ko alam kung ano, pero kapag bata ang tinanong mo, Jollibee ang una niyang isasagot na gusto niyang puntahan. Iyon kaya ang kakaibang paggulong nito sa dila, na mas madali at masarap sabihin kaysa sa tunog-mekanikal na pangalan ng mga kakompitensiya niya? O baka ang mga awitin at TV commercials, na kasama pa si Aga Muhlach at Donna Cruz? Mas cute ba ang mascot na pulang bubuyog kaysa sa payaso? Anuman ang mga ito, bilang mga bata, ...

tungkol sa abot-tanaw

Marami ang nangangarap ng isang bakasyon na kung saan, habang nakaupo sa dalampasigan, nakatanaw sila sa tuwid na abot-tanaw (horizon) kung saan nagtatagpo ang magkaibang bughaw ng langit at ng dagat. Ito ang sukdulang paglalarawan ng pagrerelaks, ng pagpapahinga, ng pagtakas mula sa mga pang-araw-araw na kaabalahan ng buhay.  Kasi, marami ang araw-araw na humaharap sa isang bali-balikong abot-tanaw, kung saan ang matataas na salamin at kongkreto ay tumutusok sa langit.  Pero kung nasaan man tayo: sa isang malaparaisong isla o sa gitna ng kagubatan ng lunsod, lagi nating tandaan kung ano ang pinakamahalaga. Hanggat may lupang tuntungan ang ating mga paa. Hanggat may langit na lumulukob sa ating mga ulo. Hanggat may kakayahan tayong malasin at pahalagahan ang natatanaw natin sa malayo.  Okay tayo.  Doon pa lang, marami na tayong dapat ikatuwa at ipagpasalamat. ■ 

tungkol sa mga bato sa tabing-dagat

Sa pamamasyal namin sa Agno, Pangasinan, naglakad-lakad ako sa tabi ng maalong dagat.  Tumambad sa akin ang isang bahagi ng dalampasigan na punung-puno ng mga bato. Mga pebbles  yata ang tawag dito sa Ingles. Ang mga bato, na mula sa pagkaliliit hanggang sa ilang mga sentimetro ang haba, ay makikinis, makukulay, at may iba't-ibang hugis. Sa sobrang ganda nila, ang mag-ina ko ay namulot at nag-uwi ng isang balde nila.  Lumusong ako ngayon sa maalong dagat.  Sa gitna ng daluyong, may isang rehiyon kung saan mabato ang naaapakan ko. Dito umaalimbukay ang paparating at ang papalayong mga alon. Gamit ang goggles, sinisid ko ang ilalim, at hayun! Doon pala sila makikita. Ang mga bato, mga pebble, di hamak na mas marami kaysa sa mga napadpad sa pampang. Sa bawat pagsalunga, sila ay natatangay at inihahampas ng alon pababa. Sa bawat araw, hindi humihinto ang mga alon sa paghataw sa kanila, anupat kumikiskis sila sa bawat isa. Kaya pala sila makikinis. Kaya...

tungkol sa kawayan at sa niyog

Dumaan na sila sa ilang maraming mga tag-init at mabagyong panahon nang magkasama. Magkababata sila halos; nauna lang siguro nang ilang taon ang Niyog. Pero mas matangkad at payat na si Kawayan noong bagong tanim pa lang siya, di tulad ni Niyog na medyo mabilog nang umpisa at dahan-dahan na lang nagkalaman nang bandang huli.  Si Niyog ay tumayog nang tumayog; sa paglaki niya ay napagtiisan niya ang pagsibak ng kanilang May-ari sa kaniyang mga tagiliran para gumawa ng akyatan. Makailang ulit na rin siyang nagbunga, na madalas din namang pinipitas ng may-ari. Ibang istorya pa ang tuba. Si Kawayan naman, lumago na ang mga bagong sibol, na pumalibot na sa kanya. Ito naman ang hinahawan ng may-ari sa pana-panahon, kasama na ang kaniyang nagsala-salabid na mga sanga.  Isang araw, matapos malasing sa kasaganaan ng liwanag ng araw at hangin, nagkausap sila.  “Hindi rin kita minsan maintindihan, pare,” anang Niyog, habang marahan pang kumakampay ang mga dahon sa m...

tungkol sa kape

Ibinuhos ko na ang laman ng 3-in-1 sa mug. Pero hindi ko pa siya naihalo, abala sa paghahanda. Gayon naman ang madalas na nangyayari tuwing madaling-araw.  Kaya matiyaga itong naghintay, itong kape, tahimik na pinanonood ang bawat kibot at hakbang ko. Kung makapagsasalita lang siya, siguro ay kanina pa siya tumikhim, umimik: "Uhm, boss, parang may nakakalimutan ka yata... medyo malamig na ang tubig ko..." Kung may kamay at paa siya, baka lumukso na siya mula sa mesa at nakitulong sa pagsisilid ng mga kaliit-liitang bagay sa bag ko.  Ang kape ay panggising, nakakabuhay. Pero, gaya ng alam ng kape kong ito, wala itong saysay kung hindi ito iinumin.  Mayamaya, matapos makapagmedyas, naalala ko ang ngayo'y halos maligamgam ko nang kape. Hinalo ko ito nang kaunti (halos natunaw na rin kasi ito nang kusa) at saka tinungga. Mukhang epektibo naman ito, nagising naman ang diwa ko ngayong alas-kuwatro ng umaga, kahit pa hindi na ito nakapapaso.  Sa paglapa...