Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2017

tungkol sa kilig

Ang salitang Filipino na "kilig" ay sinasabing walang katumbas sa ibang wika, pangunahin na sa Ingles. Siguro ang pinakamalapit nang paglalarawan dito ay "the giddy, happy feeling in your heart when you interact with someone you are pining for." Ang haba! Pero kulang pa rin sa kahulugan at mahikang dala ng "kilig" gaya ng alam ng mga Pilipino na syang nag-imbento ng salitang ito. Oo, parang makatuwiran naman ang obserbasyon ng isang kaibigan nang mabanggit ko sa kanya ang paksang ito noon: "Malalandi lang talaga tayong mga Pinoy." 😂

tungkol sa kaliwa at kanang bahagi ng utak

Una kong nalaman ang tungkol sa pagkakaiba ng kaliwa at kanang bahagi ng utak noong hayskul. Gumawa ako noon ng isang lathalain para sa seksiyong pang-agham ng aming pahayagang pang-mag-aaral. Naaalala kong ako mismo ay namangha kung paanong pinaghihiwalay ng utak ang pagpoproseso na wari bang batay sa kategorya.  Para sa mga kananeteng katulad ko, ang mga bagay na lohikal ay hinahawakan ng kaliwang bahagi ng utak. Ang kaliwang bahagi ng utak ang may kontrol sa kanang kamay, kaya ito ang ginagamit ko sa pagsulat. Ang alam ko, pati ang mga matematikal at teknikal na kaalaman ay napapaloob sa kontrol nito, anupat gumagabay sa isang tao upang maging mahusay at mapamaraan.  Sa kabilang banda, nariyan naman ang kanang bahagi ng utak na kumokontrol sa emosyon. Narito ang mga damdamin ng saya at lungkot, pagkakontento at pananabik. Ang bahaging ito ng utak ang siya namang humuhubog sa isa upang maging malikhain at madamdamin.  *****  Matagal-tagal na rin pa...