Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2013

tungkol sa mga madramang mga kanta

Lahat naman siguro tayo ay dumaan sa mapapait na karanasan sa buhay pag-ibig. Kapag nandun ka pa sa panahong iyon, siyempre pa, hindi iyon madaling pagdaanan. Mga gabing walang tulog, mga di-masagot na mga tanong, mga luha... Sabihin pa (at sana naman), naranasan na rin natin kung paano bumawi mula sa ganitong mga karanasan. Pero aminin natin: minsan tinatamaan tayo ng kung anong topak at parang gusto nating balikan ang damdaming iyon. Kahit hindi na yung tao o yung mga pangyayari; yun lang damdamin. At siyempre pa, ang epekto nito (o baka sanhi?) ay ang pagsesenti sa pamamagitan ng pakikinig ng mga madramang mga kanta. Screen shot mula sa laptop ko ngayon. Oo, mas gusto ko ang bersiyon nila ng "Broken Hearted Me" kesa dun kay Anne Murray. Ang video ay mula kay  cyberman000051 (maraming salamat!)

tungkol sa pagsusulat ng pamangkin ko

Ang mga pamangkin ko ay home schooled. Ang siste, si Ate ay nagbabayad ng "tuition" sa isang home school organization para sa mga aklat, syllabus, at mga proyekto sa pagtuturo, pero siya pa rin ang titser ng kaniyang mga anak. Ang panganay niya, si Kyla , ay mahusay nang magsulat at magbilang; maaga pa lang ay nakitaan na namin ng kahusayan ang bata. Ang mas nakababata, si Noah, ay huli kong dinatnan bilang isang magulo at makulit na bata; bulol pa siya nang una akong pumunta dito sa Alemanya. Tingnan mo nga naman ang panahon. Kamakailan ay nag-email si Ate ng isang larawan: ang unang school work ni Noah:

tungkol sa bentilador

Mas malamig pa rin dito sa Dresden kesa sa Pilipinas. Ngayon na siguro ang pinakamainit na yugto ng tag-init, pero sa pinakamainit ay nasa mga 25 degrees pa rin ito, at sa gabi, nasa mga 15 pa rin, parang naka-aircon pa rin. Ang problema nga lang, alas-diyes na lumulubog ang araw, kaya ang alas-otso ng gabi ay parang alas-kuwatro pa lang ng hapon sa Pilipinas. Nakaharap pa naman din sa kanluran ang bahay ko kaya nasasagap ko ang lahat ng init bago dumilim. Kaya sa gabi, pagsampa sa kama, binubuksan ko ang naka- steady  na bentilador bago matulog.

tungkol sa pag-aalaga ng mga halaman

Nasa kontrata ng bahay ko dito na hindi pwedeng magsabit ng halaman sa labas ng bintana. Kaya nang bumili si Steph ng mga halaman noong nandito siya, hindi ako masyadong interesado. Hinayaan ko lang siya nang una niyang dalhin ang mga halaman, at nang bumili siya ng mga bagong paso, manghingi ng bagong lupa mula sa aming mga kakilala, at maglipat ng mga tanim.

tungkol sa pagtanda

Kailan nga ba talaga tumatanda ang isang tao? Bago ko hanapin ang sagot sa tanong na iyan, lilinawin ko lang ang ibig kong sabihin. Sa wikang Filipino, ang pagtanda ay pwede ring mangahulugang paglaki  o growth sa Ingles. Buweno, kung iyan ang katumbas na salitang gagamitin natin, ang simpleng sagot sa tanong ko ay: araw-araw. O baka kahit pa nga minu-minuto, o segu-segundo. Pero, gaya ng alam nyo na rin marahil, ang tinutukoy ng katagang pagtanda sa tanong na iyan ay ang pagiging matanda  o adulto (talaga nga bang walang salitang-ugat na Tagalog na katumbas ng "adulto"?) o, sa Ingles, getting (being) old / mature . Kaya, ang mas maliwanag (pero mas mahabang) bersiyon talaga ng tanong ko ay: Kailan nga ba talaga maituturing na matanda na  ang isang tao? Sa pananaliksik, madalas kong nadadaanan ang ganitong uri ng problema. Kung minsan, ang isang bagay na continuum ay gusto mong i- binarize . Parang isang larawang punung-puno ng kulay na gusto mong gawing blac...