Kagabi iyon, gabi ng lunes. Armado ng cellphone na kargado ng ETXT load, sinubukan kong mambulabog ng natutulog na mga kaibigan, malayo't malapit. 11:41 pm ang tala ng orasan nang magpalipad ako ng isang simpleng "gnyt :)" sa ere. Biglaan iyon at walang paalam. Napa-"wow" tuloy si Glai, na siyang unang nagbalik ng pagbati. Makalawang ulit nagtext si Steph; ano't gising pa ako't nagte-text pa, magpapalit na ng araw. Muli akong nagpahatid ng "gnyt :-*" sa di-nakikitang mga "kawad" ng Globe. Isa, dalawa, makaitlong nagparamdam ang telepono. Ang una'y pahatid na paubos na ang kanyang baterya. Ikalawa'y ang tunog na kaakibat ng pagsaksak ng charger. Ang huli, isang alarm na di-kawastuang nai-set. Ang mga segundo ay naging mga minuto; tumakbo ang mga oras na walang balik-mensahe akong natatanggap. Hanggang sa ako'y makatulog. Paggising ko kinaumagahan, siyempre pa't naroon ang mga text ni Steph na hindi pumapalyang m...