Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2007

tungkol sa deadlines

ang pinakamasamang bagay na sanhi ng pagkakaroon ng deadline ay ang tendensiya na gumawa lamang kapag malapit na ito. tulad ng 221 problem set, na buong linggo ko nang alam (dapat) at ngayong umaga ko lamang ginawa - ilang oras bago ang deadline. buti na lang at hindi pa pina-submit, hindi ko pa natapos ang isa. nandyan din ang SPP, na ang deadline ay ilang araw (o linggo pa ba?) na lamang bago dumating pero hindi pa nararamdaman (mali, PINAPANSIN) ng karamihan sa amin (buti pa kami nag-o-overnight! haha!). siguro ang etymology ng "deadline" ay related sa math. dead+line = line na zero slope (?). flat. yan ang plot ng productivity mo vs. time bago dumating ang isang specific date. geek! mas maganda siguro kung iisipin mo na sa susunod na minuto na ang deadline ng dapat mong gawin. o kaya naman ay na bawat sandali ng buhay ay isang deadline. tiyak, marami kang maisasakatuparan. dahil ganyan naman talaga ang buhay. ang bawat araw ay isang posibleng ...

tungkol sa mga bagay na nasasabi kapag wala nang masabi

matagal na pala akong hindi nakakapag-paskil ng anuman dito. ang lakas ng loob kong awayin si Mikki tungkol sa estado ng Multiply site niya, e ako nga ni walang pagbabago sa itsura man lang ng account. mapanira pa ang huli kong ginawa: nag-delete ng dalawang albums ng Eheads na sabi ni Cats ay hindi ko na-upload nang tama. abala kasi. sobra. sa daan-daang mga pahina ng papel na tinatanggap ko linggu-linggo bilang guro, hindi na ako makahanap ng panahon para umupo at magkuwento, sa halip ay lagi na lang akong nakatungo at nagtutuwid. bukod pa sa ako mismo ay isang estudyante, nila-Lagrangian ang kung anu-anong nag-a-accelerate na pendulum. pagdating naman sa research, paulit-ulit na animo'y isang LSS sa isipan ko ang mga salitang " We demonstrate using theory and experiment... " at " In conclusion we have reported a robust model of... " Lalo pa't SPP time. o baka naman hindi. kung minsan ang pagiging "abala" ay ang pinakamadaling lusot ng...