tungkol sa faculty room
ito'y isa na namang pinagpalang umaga, nabanggit ko sa sarili, habang humahangos palabas ng aming kanto kasabay ng marami pang ibang trabahador na muling magsisimula ng ikalawang araw ng linggo. inihahatid ako ng "With a Smile" ng Eraserheads (sa mp3 player ng cellphone) patungo sa sakayan ng jeep. gaya ng dati - halos araw-araw sa loob ng siyam na taon - sa Katipunan ang destinasyon ko, upang muling magpahatid sa isa pang jeep patungo naman sa UP.
mabilis ang biyahe, at wala namang kahit anong nakasira sa magandang pasimula ng araw. mahaba naman ang pasensya ko para sa katabi kong "nagsasayaw" habang tulog. humarurot ang jeep sa mga pamilyar na daan: Masinag, Sta. Lucia, Ligaya, Santolan; aba, Katipunan na pala. kasabay ng iba pang estudyante at mga empleyado, binagtas naman namin ang mga daang nag-uugnay sa Ateneo, Miriam, at sa aking mahal na unibersidad.
nakasabay ko sa pagbaba sa tapat ng overpass (sa harap ng UPIS) ang isang estudyante; buweno, mas nais kong isiping estudyante siya kaysa guro, mas mapagpapaumanhinan ang kanyang ginawa. ano't sa harap at ilalim mismo ng tulay na tawiran ay nakipagpatintero siya sa mga sasakyang nagsisiharurot sa anim na lanes ng Katipunan. kung sabagay, hindi lang naman siya ang gayon ang ginawa: makailang ulit ko ring nakita mula sa itaas ng overpass ang isa, dalawang mga empleyado ng MWSS na gayon din ang ginawa.
ano na nga ba ang itinuturo natin sa mga estudyante?
at may gana tayong magreklamo sa antas at kalidad ng edukasyon. naisip ko lang, habang pababa sa tulay na iyon: ang ganitong uri ng edukasyon ay hindi nakukuha mula sa paaralan. hindi dapat na sa paaralan ito nanggaling. ang pagsunod sa batas, pagiging isang mabuting mamamayan, ay dapat na sa tahanan nabuo at nalinang.
kung wala nito, hindi tayo handa - karapatdapat man lamang - sa edukasyong mataas ang kalidad.
hayun siya, nagmamadali sa aking unahan habang binabagtas ang daan sa pagitan ng CHE at ng dating Narra. pansamantala kong itinigil ang pagsigaw ni Ely sa "Butterscotch" para silipin ang oras mula sa telepono. alas-siyete beinte na pala. sampung minuto na lamang ay magkaklase na ako, kaya heto't napaigpaw ang mga paa sa pagtahak sa mga apat na blokeng lakarin.
nang-aakit ang samyo ng bagong lutong sinangag sa CASAA, pero kailangan ko nang magsimulang magturo. lalo pa't nasalubong ko na si Gil (lagi siyang sa harap nakaupo), na matapos ngumiti ay napamadali nang makita ako. kumakalam na ang tiyan pero nariyan naman ang doublemint na ngunguyain sa loob ng isang oras.
ang kaguluhan ng faculty room ay isang malaking contrast sa kawalang tao nito tuwing aabutan ko kapag umaga. nasanay na ang aircon na mapisil at mapindot ng aking pagod na mga daliri. binabati na ako ng saksakan, at, lalo na nitong huli, halos nagmamakaawa na ang desktop na siya'y mabuksan. makailang pulot na rin ng mga papel dito at doon ang ginawa ko.
magsasanay sana para sa aking litanyang ipapahayag mamaya sa klase, pero hindi maalis sa isip ko ang ilang mga salita na susumaryo sa semestre ko ngayon. first to arrive and last to leave. ganyan ako sa NIP. minsan nga ay inaabutan ko pa ang pagpapalit ng guwardiya: kapuwa sa umaga at sa hapon. ako, dito sa aking sulok, ang datna't panawan ng mga kasama ko sa faculty room.
*****
ang dami ko na palang napansin. iba na talaga ang likot ng isipan kapag walang kakuwentuhan. parang nakikipag-usap sa sarili. napapansin ang lahat ng detalye.
ang dami na palang negatibong bagay na nangyari. ang sleepdancer kong katabi sa jeep na kung makasandig ay daig ko pa ang sofa. ang nakakabuwisit na estudyanteng tumawid sa maling tawiran. ang pagkalam ng sikmurang hindi na nalamnan.
ang nakakabuwisit na iskedyul ko ngayong sem. ang kadalasa'y walang lamang faculty room.
pero ano nga ba ang magagawa ko? tama naman si Job sa Bibliya: tatanggap ba lamang tayo ng mabuti at hindi masama? kung minsan, sa pagbibigay-pansin sa mga bagay na ito, nakakalimutan ng iba ang mas mahalagang bagay. sabi nga ng mp3 ko kanina, sa kantang "Hey Jay": "alam mo namang/ang mahalaga'y nabubuhay ka/...ang isipin mo na lang/ay may nagmamahal sa iyo..."
hindi natin laging mapipili, mababago ang sitwasyon kung saan tayo nakapaloob sa isang partikular na panahon at pagkakataon. pero mapipili, mababago natin ang ating saloobin. :)

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento